💙Chaptr 56💙

68 4 8
                                    

Medyo natulala talaga ako sa nakita ko dahil bumungad sa harapan ko ang isang maliit na table na nababalutan ng asul na tela maging ang paligid ng office nya na napupuno ng kulay asul na sinamahan pa ng mga kumikinang na palamuti,

Tanging LED lights at kandila ang nagbibigay liwanag, napakaganda ng settled ng table may wine at kung ano man ang nakatakip doon

"How is it?" Tanong nya na kanina pa pala nakatingin sakin

"O-ok naman ang ganda, teka pwedeng magtanong?" Sambit ko dahil gusto ko talagang malaman

"Go ahead!"

"Ah itong theme color,...idea mo?" Kasi talagang sobra akong humahanga pag nakakakita ako ng blue napakasarap kasing tignan

"Mmmm...naisip ko lang....why, you don't like it?" Kunot noo nitong tanong at akmang aalisin na sana ang mga tela pero pinigilan ko

"Hindi, wala akong sinasabi,....sa katunayan nga nyan favorite color ko ang blue!" Nakangiti kong sabi, natigilan naman sya at mas ngumiti

"Thank god that you will like it !" Sambit nito "let's sit hear" inalalayan nya ako, hinila ang upuan at marahang itinulak hanggang sa makaupo ako at saka sya umupo sa katapat ko

Aaminin ko medyo nakakatouch tong surprise nya unang araw pa lang, at isa pa naaampy ko yung mabango na sa tingin ko ay yung pagkaing nakatakip sa harapan ko,

Parang gusto ko ng buksan agad-

"You can eat as long as you want" nakangiti nitong sabi, dahilan para maputol ang pag iimagine ko sa pagkain, bahagya akong nahiya, para bang nabasa nya yung iniisip ko

Nakakahiya man pero nginitian ko sya, halos mapangiwi pa nga ako pero dapat hindi ako magpahalatang tom jones nako

"Ahm ok, mmm sabay na tayo" nahihiya kong sabi alangan namang ako lang ang kumain at tititig lang sya? No way!!!!

Pareho naming binuksan ang nakatakip at nanlaki ang mata ko dahil sa nasa plato, kung hindi ako nagkakamali beef steak to at sa itsura pa lang halatang sobrang sarap may pa cherry pa sa gilid with lemon, sobrang susyal naman

"Parang ang mahal nito ahh?" Sambit ko habang tuloy pa rin sa pagmamasid sa steak

"Mas mahal kita!" Ito nanaman ako nanigas sa kinauupuan ko bakit ba kapag nagsasalita sya ng ganon parang nahinto ang mundo ko?

Unti unti kong inangat ang paningin ko sa kanya habang sya maluwag na nakangiti sakin, "ha ha ha amm kain na tayo nagugutom ako ehhh!" Pang asar kong tawa

Para di nya seryosohin ang sinabi ko

"It's ok this is our first day, and I have 6 days left to proof myself on you!" Simple nitong sabi at sinimulan ng hiwain ang steak na nasa harapan nya

Nag aalangan man ako sinimulan ko na rin ang pagkain ng steak, habang kumakain kami halos di talaga ako naimik at nakayuko lang ako sa pagkain, pero nararamdaman kong kanina pa ako tinitignan ni kiel na para bang gusto nya ko maya maya kausapin pero ano naman sasabihin ko?

Narinig ko bigla syang ngumisi dahilan para taka ko syang tignan "bakit ka nangiti dyan?"

"Ang messy mong kumain"

"Huh? Ako saan?' Para akong ewan na naghahanap ng kalat ko, "sa bibig mo" sambit nya kinapa ko naman agad ang bibig ko

"Wala naman eh" sambit ko bigla syang lumapit at gamit ang hinlalaki nya, marahan nyang pinahid ang sinasabi nyang messy ko daw at malapit talaga sa labi ko yun dahilan para magkatitigan kaming dalawa

Nangtatangkain nyang hawakan ulit ang labi ko pinigilan ko sya at ako na ang nagpunas sa bibig ko "ako na sige na kumain ka na"

"Ok" sambit nito

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now