💙Chapter 47💙

58 5 2
                                    

isang linggo ko nang iniiwasan si kiel dahil napaka awkward ng nangyare samin at saka gulong gulo pa ako

Kapag nakikita ko sya sa malayo lumilihis na agad ako ng daan para di na kami magkasalubong maging sa shop gumagawa ako ng paraan para mapilitan syang hindi ako kausapin

Pero sa totoo lang medyo naaawa naman ako sa kanya lalo na parang gustong gusto nya talaga akong makausap pero anong magagawa ko nahihirapan ako at isa pa kung pagbibigyan ko sya baka mahulog ng tuluyan ang loob ko sa kanya

Ayokong mangyare yun baka masaktan ko si christian napakabait pa naman nya sakin, ayokong makasakit ng tao

Pero........

Sa ginagawa ko kay kiel sa tingin ko mas higit ko syang nasasaktan, napakasama ko yata at ginagawa ko yun, hindi naman dalawa ang puso ko para pareho silang ibigin ko

Nahihiya rin akong sabihin ang lahat kay lea dahil baka hindi nya ako paniwalaan kahit pa bestfriend ko sya natatakot ako

Isang linggo ko nang dinadala ang bigat sa loob ko.....gusto ko nang sapakin ang sarili ko at iuntog ang ulo sa pader para matauhan ako...

"Athena para sayo" may inabot sa bulaklak sakin si Christian habang maluwag itong nakangit sakin,

Tingin nyo ba kaya kong saktan ang tulad nya lalo na at halos ideal man sya kung tutuusin, inabot ko yun at nagpilit ng ngiti "salamat, may okasyon ba?" Wala sa sarili kong tanong

Umupo sya sa tabi ko "wala naman? Hindi naman need ng occasion para magbigay ng bulaklak" sambit nya at inilapag ang dalang dessert

"Oo nga naman sorry" ngumiti ako sa kanya "may problema ba?" Kahit pilit kong tinago nahalata pa rin nya, umiling ako "wala naman ahm natakam lang ako sa dessert na dala mo"

Palusot ko na lang bigla itong ngumiti at binuksan ang dala nitong dessert saka inabot ang kutsarang may leche plan "ano yan?" Tanong ko

"Edi sinusubuan ka diba sabi mo natatakam ka oh eto na" mas nilapit pa nya ang kutsara tangka ko na sanang kukunin yun pero iniwas nya "gusto ko ako magsusubo sayo" nagpapa cute na sabi nya

"Kaya ko naman"

"No, I insist" pamimilit nya kaya naman sinubo ko nalang kesa  mangulit pa sya, "oh sarap diba"

Tumango lang ako "salamat sa pagkain, sa bawat minutong lumilipas na magkasama kami ni christian nakakadama ako ng kakaiba para bang may kulang

Pero anu naman yun? Siguro napapraning lang ako kung ano ano kasi ang iniisip ko dapat mas bumawi ako kay Christian diba?

Sa sobrang tulala ko hindi ko namalayang kanina pa ako tinitigna  ni Christian at nagulat na lang ako na hinalikan nya ako sa pisngi na ikinagulat ko

"Ba-bakit mo ako hinalikan sa pisngi?" Hulat kong tanong hindi ko inasahan na gagawin nya yun

"Ahm I'm sorry di ko sinasadya siguro mas nagandahan pa ako sayo hindi mo ba gusto?" Nagtatakang tanong nito

Umiling agad ako "hindi naman sa  ganon medyo nagulat lang ako pero ayos lang ako ahm siguro balik na tao sa bench baka inaantay na tayo ni lea"

Pag alok ko baka kasi mas magtaka pa sya himinga sya ng malalim at saka tumayo, inabot nya sakin ang isang kamay nya

"Let's go?" Nakingiting alok nya, inabot ko yon at sabay na kaming naglakad papunta kay lea.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Andyan na pala kayo, hoy ikaw athena bukas mamimili tayo ng gown natin ha" nagulat ako sa binungad nya

"Gown bakit?" Wala sa sarili kong tanong "ay kaloka tong babaeng to naturingang suma cumlaude eh napaka outdated, meron po tayong student night sa isang araw tayo nalang ang wala pang isusuot"

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now