💙Chapter 42💙

104 4 8
                                    

Nagtungo na kami sa lugar na pagkikitaan nila ng suppliers nya, dala pa rin namin ang strawberries na tig isa kaming basket, "welcome ma,am/ sir dito po muna kayo maupo maya maya lang darating na sila" sambit samin nung isang babae na sa tingin ko staff yata!

"Thanks!" Sambit ni kiel, ngumiti naman ako saka umupo at ipinatong ang strawberries na hawak ko sa lamesa, susubo sana ulit ako ng isa ng biglang iabot sakin ni kiel ang basket na hawak nya "huh? Bakit mo inaabot sakin yan?" Taka ko

"Para sayo lahat yan" deretsa nyang sagot "kala ko ba sayo to? Ayaw mo ba?" Tanong ko ulit "not really para sayo talaga yan!" Pag uulit nya.

"Ok sige ayaw mo akin na lang salamat ha!" Pasasalamat ko at dalawa agad ang sinubo ko, bigla na lang tumawa si kiel "bakit ka natawa?"

"Ang cute mo kasing tignan habang may dalawang strawberry dyan sa bibig mo takaw mo!" Wala lang talagang magawa ang taong to! Di ko na lang sya pinansin, kinain ko ang ilan pang strawberry, ang sarap kasi

Maya maya lang may tatlong lalaki na dumating sa harapan namin kaya tumayo si kiel, hindi ko man alam ang nangyayare, tumayo na lang din ako "nice to meet you Mr. Villaruel" bati nilang tatlo at nakipag kamay kay kiel

"Nice to meet you too" sagot naman nya, saka sila umupo lahat kasama ako, "ah Mr. villiaruel meron po kaming mga designs na ipapakita sa inyo gawa ng teams namin so you can see and choose whatever designs that you can apply to your shop"

Sambit nung isang nakablue at inabot ang ilang files na hawak nila, "kung wala naman po sa designs na yan ang gusto nyo you can suggest and we will make it for you" dugtong naman nung isa.
Umiling si kiel

"No, it's definitely ok more than I expected!" Sambit nya at ibinalik ang file sa tatlo,

Oras din ang tinagal ng meeting bago natapos, nag decide si kiel na kumain muna kami sa isang restaurant malapit lang din kung saan kami nakipag meeting, medyo kakaiba ang restaurant dito sa bagyo dahil halos mag mukhang strawberry na malaki ang restaurant na to.

Sa labas pa lang eh hugis strawberry na, ganon din ang mga paso, bakod at ng maging pinto, pag pasok namin, bumungad samin ang kulay red at pink sa loob mga table hugis strawberry pati upuan at halos namumutok talaga sa strawberry design.

Hindi talaga mahilig sa strawberries ang may ari nito!

"Table for two" sagot ni kiel at
sinamahan kami ng isa sa waiter malapit sa bintana kung saan tanaw ang malaberdeng taniman ng strawberries. "Anung gusto mong kainin?" Biglang tanong sakin ni kiel pagkaabot ng menu

Nag isip ako at tumingin sa menu, kakaiba yung mga pangalan ng pagkain at di ko magets kung ano yun at kung ano ang lasa, tumingin ako sa kanya "ahm kasi hindi pamilyar sakin ang mga pagkain na to, siguro ikaw na lang yung pumili"

Sambit ko at isinara ang menu, nag smirk nanaman sya saka sumenyas sa waiter na agad namang tumango at umalis.

Ilang minuto lang kaming nag antay at mabilis na naihanda ang mga order namin, "salamat dito" sambit ko bago kinuha ang tinidor, ngumiti lang sya at kumain na rin.
.
.
.
.
Pagkatapos naming kumain nag decide na kaming bumyahe, medyo tahimik lang sa loob ng kotse pero di naman awkward, habang tinatahak namin ang daan, nanatili akong nakatingin sa labas, ramdam ko ang sobrang lamig ng hangin kaya isinara ko ang bintana, kaso lang mukhang di tumalab yun at nanginig ako

Naisipan kong mag jacket pero nakalimutan kong dalhin, dahil wala nga naman akong idea na bagyo pala ang pupuntahan namin, kaya nanahimik na lang ako at tiniis ang lamig...

"Here wear it" Napatingin ako sa kanya ng may halong lito, "para san to?" Bakit pa ba ako nag tatanong eh obvious naman na nilalamig ako?

"Your cold right!" Seryoso nyang sabi kaya medyo nakagat ko ang ibabang labi ko, medyo shunga lang ako sa tanong ko...

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now