💙Chapter 40💙

82 5 1
                                    

"Grabe bess ganda ng lugar na to!" Bungad ni lea pag pasok namin ng hotel "kaya nga" relax kong sagot, nag elevator na kami para mabilis na makarating sa 16th floor kung saan kami naka assign na rooms,

Pagdating namin sa 16th floor sinalubong kami ng isang staff para ituro ang pwesto namin, at napakaganda dahil kakaiba ang mga room ng bawat hotel na to actually masasabi kong hitech na ang lahat ng gamit nila dito, dahil pagsilip ko sa banyo laking gulat ko na kusa nang nag pa-flash ang cubicle na hindi na kailangang e-flash dahil sa sensor nito.

"Bessy halika dito tignan mo to" bigla akong hinila ni lea papasok sa kabilang kwarto kung saan bumungad samin ang secret door na mula sa books na nakalagay sa mga eskaparate

"Pano mo nalaman to?" Taka kong tanong habang sinisilip ang paligid, bigla syang ngumisi "actually di ko sadyang napindot, naghanap hanap lang naman ako ng librong pwede kong mahiram kaso pag hila ko ng librong to nagulat ako bigla na lang umabante yung iskaparate tapos gumilid ayan nakita ko"

Paliwanag nya habang dinidemo ang ginawa nya, tumango lang ako "o sya ibalik mo na yang pinto baka mamaya mapagalitan pa tayo sabihin pa nila nangingialam tayo sa hotel nila" suway ko na sya namang ginawa ni lea, hinila nya ulit yung librong hinawakan nya at saka ito bumalik sa dating pader

"Weird mo yata ngayon athena anong meron?" Taka nya akong tinignan "wala lang to sige na magtrabaho na tayo" pag iwas ko, hinawakan nya ako sa braso "yung totoo ano ba talaga?" Sa totoo lang ayokong pag usapan dahil tungkol lang ito sa kanya na siguradong di naman nya sasagutin

"Wala nga Lea!" Lalo nyang hindi  binitawan ang braso ko, "gusto mo malaman?" Seryoso kong tanong, tumango lang sya pero nababakas ko sa mga mata nya na iniisip kung ano ang sasabihin ko, "tungkol lang naman to sa pagtatago mo ng secrets diba mag bestfriend tayo, bakit ka naglilihim saka anu ba yun at hindi mo masabi sabi sakin?"

Deretso ko syang tinignan sa mga mata, nag blink sya ng ilang beses at nagdesisyong bitawan ang braso ko "see? Ayaw mong sabihin, kaya wag ka nang magtaka na ang cold ko sayo, dahil feel ko hindi mo ako pinagkakatiwalaan-"

"Hindi sa ganon bessy-

"Pero ayaw mong sabihin"

"Hindi nga kasi tungkol sakin yun saka.....hindi dapat manggaling sakin yun...ayokong magsabi hanggat di ako sigurado sa bagay na yun kaya please bessy understand me na lang" mahinahon nyang paliwanag, napabuntong hininga na lang ako

"Ano pa nga bang magagawa ko secret mo yan eh sige na punta ka na sa room mo babalik na ko sakin" walang gana kong sagot at mabilis akong bumalik ng kwarto nang hindi lumilungon sa kanya, hindi naman ako galit kung hindi nagtatampo lang,

Pero syempre wala pa rin akong karapatang pilitin sya kung ayaw nyang magsabi, bigla ko tuloy naalala yung sinabi ni Christian na hayaan lang daw sya dahil magsasabi din sya someday,

Sana nga totoo yung sinabi nya para di na ako naguguluhan sa mga kinikilos nya!!!

Nagsimula na ako sa trabaho ko, medyo mahirap dahil mabigat yung mga kumot na panlatag sa beds, pero ok lang dahil masasanay rin ako, ilang oras din naming ginawa yung trabahong inuutos samin, dahil may hours na kailangan naming makumpleto para maipasa ang ojt..
.
.
.
.
"Tara kain na tayo" aya ni lea sakin ng magkasalubong kami sa lobby "sige" sagot ko, nagpaalam muna kami sa supervisor namin bago kami lumabas, pero bago man lang ako makalabas ng pinto eh nakabangga ko ang isang babae na nahulog pa ang gamit na dala

"Sorry miss di ko sinasadya" paghingi ko ng tawad saka yumuko para tulungang pulutin lahat ng nahulog nyang gamit "hindi ok lang ang messy ko rin" sagot nung babaeng nakabangga ko habang nakuyoko pa rin at patuloy sa pagpulot ng nagkalat nyang gamit, parang pamilyar sakin yungg boses nya

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now