💙Chapter 39💙

70 5 0
                                    

Sa sunod na linggo na ang umpisa ng OJT namin, kaya medyo nag aadjust na kami sa oras para matapos namin yun ng walang absent, kasalukuyan na kaming nag tetake ng huling test namin sa dalawang subjects kaya tahimik ang buong classroom

"Bessy!" Rinig kong tawag sakin ni lea kahit pabulong lang, kaya bahagya akong lumingon sa kanya at inantay ang sasabihin nya "bessy nakalimutan ko yung meaning ng DHA" kamot ulo nyang tanong,

Hays napailing na lang ako sa ginawa nya ilang beses ko nang pinareview yun sa kanya pero nakalimutan nya pa rin "Docosahexaenoic acid" bulong ko rin para di marinig ng prof na nasa harapan buti na lang at nakaharap sya sa white board at may sinusulat kaya swerte ni lea sa time na yun

Inulit ulit pa nyang binibigkas ng walang boses saka tumingin sa test paper nya, tapos biglang nanlaki ang mata nya sabay ngiti at lingon sakin "thank you bessy gets ko na!" Masaya nyang bulong at mabilis na nagsagot, napangiti na lang ako sa kalokohan nya

Pinagpatuloy ko lang ang pagsasagot at dahil nakapagreview naman ako ng maayos kagabe, madali ko lang nasagutan ang lahat ng tanong sa test paper, pagkatapos ng kalahating minuto, natapos na akong magsagot kaya tumayo na ako para iabot yun kay ma,am

"Tapos na po ako ma,am" sambit ko sabay abot ng test paper, tinignan nya pa lahat ng sagot ko at bigla itong tumango "you deserved better award athena keep it work!" Puri ni ma,am dahilan para magtinginan sa harapan ang mga classmate kong nagsasagot pa

"Tsk bida bida!!!" Rinig kong bulong ni nicole as usual nagkunwari na lang akong hindi ko narinig para iwas gulo, pabalik nako sa upuan ng masalubong ko si Christian na napangiti sakin dala ang test paper nya "nice one!" Bulong nya sakin "salamat" sambit ko bago tuluyang umupo

Kahit naman bad vibes ang binibigay ni nichole napapalitan naman agad yun kapag nagkatagpo na ang mata namin ni Christian, maya maya lang napatingin ako sa likuran ko kung saan ang pwesto ni kiel, wala nanaman sya ano bang nangyayare sa taong yun? Wala na ba syang pakealam sa pag aaral nya?

Hindi naman pwedeng ituon ko ang atensyon sa kanya lalo na mas magiging busy ako sa sunod na linggo....

.
.
.
.
Pag tapos ng exam namin nagpunta kami ni lea sa kubo malapit sa field para mas mahangin, meron kaming ilang aayuwin about sa ojt, kasunod lang din namin si Christian na may dalang pagkain "da best ka talaga Christian ang bait mo eh sana sayo magmana yung isa"

Natulala kami pareho ni Christian at sabay na napatingin sa kanya "nagmana yung isa? Sinong tinutukoy mo?" Wala sa sarili kong tanong "oo nga!" Sang ayon naman ni Christian biglang nag blink ng ilang beses si lea "a-ako? May sinabi ba ako? Haha wala yun ahm gutom lang kasi talaga ako"

Nauutal nyang sabi sabay subo ng burger na halos mangalahati sa laki ng kagat nya, napakunot ang noo ko "lea dumadalas yata yang pagka weird mo, ano ba talaga ang tinatago mo Samin?" Deretsa kong tanong

Dahil sa tuwing magrereact sya ng kakaiba, hindi nya sinasagot ang tanong ko, bilang bestfriend nya kailangan ko ring malaman kung ano ba ang nangyayare sa kanya, napaupo sa tabi namin si Christian at takang tinignan si lea

"May nangyayare ba na hindi namin alam?" Mahinahong tanong naman ni Christian habang si lea, halos mamutla na at hindi makasagot "ah kasi....eh...."

"Eh ano?" Putol ko "mmmmm..."

*criiiiinnnnggggģģggggg*

Bigla na lang may nag ring na phone at galing yun kay lea, kaagad nyang sinagot yun "yes ma, oh opo ah sige po papunta na" mabilis nyang pinatay ang tawag at saka tumayo bitbit ang bag "oh san ka naman pupunta?" Tanong ni Christian

"Ano kasi pinapapunta ako ni mom sa mall may gagawin daw kami, sige need ko nang umalis, bessy sensya na maiwan ko muna kayo" 

Nagmamadali nyang sabi, bago pa man ako makapagsalita ulit mabilis syang nawala sa harapan namin ni Christian, kaya nagkatinginan kami pareho "malakas talaga ang kutob kong may tinatago si lea satin" disappointed kong sabi at napailing.

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now