💙Chapter 41💙

129 6 18
                                    

Nakita kong busy sa kung ano man ang ginagawa ni kiel ngayon hindi ko alam kung ano yun, pag upo ko hinarap ko sya "ah sir kiel I was reporting here as I come back here!" Sambit ko

May kung anong inuusisa sya sa hawak nyang mga papel, kaya parang di nya ako naririnig, ganon pa man mas pinili ko na lang manahimik at antayin ang sasabihin nya,

Siguro nakaramdam na rin sya kaya hininto nya ang ginagawa saka inangat ang paningin sakin, "ow I'm sorry I'm just busy for something, by the way ok na you can continue your work" paliwanag nya,

"Kiel pwede ba akong magtanong sayo?" Nag aalangang tanong ko "sure!" Maikli nyang tugon!

"Kasi napapansin ko masyado kang mailap samin, saka ni minsan hindi rin kita nakita sa ojt natin, may nangyare ba?" Gusto ko kasing malaman ang dahilan nya, dalawang segundo syang hindi nakasagot sakin at nakagat pa nya ang ibabang labi,

"Why you have to know?" Balik nyang tanong rin, bakit nga ba? Bakit ba ako nagtatanong sa kanya?

"Ahm kasi..ano....ahm....concern lang ako kung bakit" nakangiwi kong sagot, tumango sya at inayos ang papel na hawak nya, "if you really want to know, just go with me not here!" Seryoso nyang sabi na ikinagulat ko, mukang seryosong bagay tong sasabihin nya sakin

"Teka!, eh may work pa ako dito-"

"Don't worry I can handle it" mabilis nyang sabi, walang ano ano'y mabilis syang tumayo at itinago sa isang volt ang mga papel na hawak nya kanina saka naglakad, "let's go" mahina nyang sabi saka naunang lumabas, napamadali rin ako kaya tumayo agad ako at hinabol sya para sundan.
.
.
.
.
Dinala nya ako sa isang park kung saan kami nagsabuyan ng tuyong dahon noon, as usual umupo sya dun sa swing na katabi ng inupuan ko dati, kaya umupo rin ako dun "mag oopen up ka ba sakin?" Deretsa kong tanong

Wala naman sigurong masama sa tanong ko, "maybe!" Hala pano yun? Pwedeng ok pwedeng hindi? Anong gagawin namin dito tumunganga?, "mmm ikaw bahala kung magkukwento ka!" Ayokong mamilit kung ayaw!

Yumuko sya at ipinatong ang dalawang kamay sa batok nya saka pinadaan sa ulo hanggang sa mahilamos sa mukha, mukang may dinadala nga sya "do you met my mother right?" Bigla nyang sabi kaya napatingin ako sa kanya

"Ah oo? Yung galit na mommy mo? Oh anong meron sa kanya?" Wala sa sarili kong tanong, tumingin sya sa kawalan "she's not my real mother!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya

Hindi nya nanay yun? "Pano mo nasabing hindi sya ang mommy mo?" Taka kong tanong "I was heard my parents conversation and their revealed that I'm not her son" hala bakit ganon

"So ampon ka ng magulang mo?" Gulat kong tanong "nope, my father is my real father and my stepmother is his mistress, they took me from my real mother!"

Nanlambot ako sa sinabi nya, kaya pala kung iturin sya nung mommy nya sa hospital parang hindi sya anak, yun pala totoo ang tanikala ko, "ahm bakit ka daw nilayo sa totoo mong nanay?"

He deeply breathed "ang sabi ni dad dahil hindi raw ako kayang buhayin ng totoo kong nanay, but I don't believe, dahil ilang taon na silang nag lie sakin" nanggigigil nyang sabi "that's why, I was trying to find my real mother to ask her why she agreed took me away from her, I want to know the truth even it hurts"

Halos matameme ako sa kwento nya, "kaya ba halos hindi mo na napapagtuunan ng pansin yung pag aaral mo?, saka kaya ba lasing ka nung araw na mapunta ka sa bahay namin? Yun ba yung ayaw mong sabihin samin ni tatay?"

Ngayon unti unti nang lumilinaw sakin lahat ng katanungan sa isip ko simula nung nadatnan ko syang lasing sa bahay, marahan syang tumango sakin saka tumingin ulit sa kawalan,

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now