💙Chapter 24💙

105 10 2
                                    

Critical Condition.....



Nagpagulong gulong kami sa sahig hanggang sa huminto, parang nablanko ang isip ko at namanhid sa mga nangyayare sa paligid ano yun? Bakit biglang may pumutok na baril bakit may nakaharang na tao sa harapan ko

O tamang sabihing nakayakap sya sa akin, hindi ko makita dahil nakapikit ako, kaya dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at duon ko napagtanto na nakahiga na ako sa sahig at parang wala ako sa sarili,

"Athena ayos ka lang?" Bakit parang nabingi ako at hindi makapaniwala sa nangyare? "Athena did you hear me?"

Kanina lang maayos akong naglalakad hanggang sa may nagtakbuhan dahil sa malakas na tunog na umalingaw ngaw

"Athena answer me" dun lang ako nahimasmasan ng inalog ako ng taong kanina pa pala nagsasalita sa harapan ko pero hindi ko maintindihan at marinig parang natrauma ako

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko saka dinilat ulit at dun ko lang napagtanto na si Kiel pala ang nasaharapan ko, "ki-kiel" wala sa sarili kong pagtawag sa kanya

Dahan dahan nya akong itinayo at ganon din ang ginawa nya "a-anung nangyare?" Wala pa rin sa sarili kong tanong napangiwi sya ng masakit sa hindi ko alam na kadahilanan

"Yu-yung tatlong l-lalaki nakatakas sa kulungan at gusto kang patayin" bigla syang bumagsak sa lupa kaya nagpanic ako at nilapitan sya "huh? Anong ibig mong sabihin? Ba-bakit ka natumba"

Hinawakan ko sya sa bewang para sana alalayan pero bigla syang napahiyaw "arghh!" Nagulat ako kaya nailayo ko ang sarili ko sa kanya, pero ang hindi ko inasahan,

Naramdaman ko ang basa sa kamay ko na ipinanghawak sa bewang nya...

May dugo!....

"Kiel na-nabaril ka may sugat ka?" Halos hindi makapaniwalang tanong ko, kahit gusto nyang magsalita hindi na nya magawa dahil namumutla na sya habang nakahawak sa sugat nya, kaya naman mabilis ko syang nilapitan at tinulungang makatayo

"Kiel dadalhin kita sa hospital kapit lang ha" pagpapanic ko habang inaalalayan sya, ramdam ko na rin ang mga agos ng luha sa mga mata ko

"O-ok la-lang a-ako ang impotante l-ligtas ka" pilit nyang sambit kahit na nahihirapan na syang magsalita dahil sa kalagayan nya "ano ba Kiel hindi ka ok wag ka nang magsalita please gagaling ka" natataranta kong sabi habang naiyak

Nakahanap agad kami ng taxing masasakyan at mabilis na pinara yun "manong pakitulungan po kami nabaril ang kasama ko please" pagmamakaawa ko "o-opo mam ako na pong bahala" sambit ng driver saka inalalayan si Kiel papasok ng taxi

Mabilis din akong sumakay para mapaandar na ni manong ang taxi, isinandal ko sakin si kiel "Kiel please lumaban ka wag kang pipikit pakiusap" pagmamakaawa ko, kinuha ko ang panyo sa bag ko at marahang ipinatong yun sa sugat nya

Tuloy pa rin ang agos nito kaya mas lalo akong kinabahan at natatakot na baka maubusan sya ng dugo "arghhss" namimilipit na sya sa sakit kaya mas lalo akong naluha at nagpanic "manong please pakibilisan po"

Kung pwede lang na liparin ko mula dito papuntang hospital ginawa ko na pero anong magagawa ko na ordinaryong tao lang, ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan nya, nang hawakan ko ang mukha nya,

Basang basa ito ng pawis, anong gagawin ko? Sobra na akong natatakot hindi ko kaya na maatim ang ganitong sitwasyon, lalo na unang beses ko pa lang makasaksi ng ganitong nabaril sa mismong harapan ko,

"Konting tiis Kiel malapit na tayo" ilang minuto rin ang itinagal bago kami nakarating ng hospital pagdating dun, kaagad kaming sinalubong ng mga nurse "ma,am Anu pong nangyare?" Tanong ng nurse habang nililipat nila si Kiel

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now