💙Chapter 18💙

129 12 3
                                    

Inabutan na kami ng tent, isa isang dinala yun sa loob ng island ang presko naman dito at napakalinis, dun kami malapit sa puno pumwesto at sa side lang din namin napiling pumwesto nila Kiel at Christian......

"O Diba tama lang na ganito ang dinala natin" inilapag ang bag at inumpisahan ang pagbuo ng tent "oo nga noh galing mo Bhest" puri ko at tinulungan din syang mag ayos,

Inabot din ng isang oras ang pagbuo sa tent dahil medyo malaki ang tent at may nagdedemo sa unahan para mabuo namin ang tent

"Taadddaaahhh buo na ang tent natin" galak ni Lea at ipinasok na ang mga bagahe sa loob syempre kasama sya, pumasok na rin ako at tinulungan sya sa loob

Inabot na kami ng lunch kaya naghanda na rin kami ng makakain sa labas lang din ng tent para di na lumayo pa "woah ang bango nito bhest luto ba to ni tita?" Tanong ko habang hinahain ang ulam na menudo

"Oo Bhest dinamihan talaga yan ni mama para if ever man pwede tayo ng magshare, speaking of share, may pagkain na ba sila Christian?" Tanong nya bago sumubo, umiling ako "hindi ko alam eh, tanong ko na lang" alanganin kong sagot at tumayo papunta sa tent nila

"Ah Kiel, Christian tanong lang sana namin kung may pagkain kayo? Kasi sobra yung dalang pagkain namin baka gusto nyo sumabay na lang" tanong ko, nakita kong tahimik sa sulok si Kiel habang si Christian naman nagbabasa ng libro, sipag talaga!!

Tinignan nila ako pareho, "saktp nagugutom na ako I'll go with you" nakangiting sabi ni christian at iniwan ang libro saka lumabas ng tent,

"Ikaw Kiel sabay ka na samin alam kong nagugutom ka na rin" aya ko pero nag smirk lang sya

"How did you know na gutom na ako, manghuhula ka na rin ba?" Wala sa mood nyang sagot, eto nanaman tayo, napabuntong hininga ako while rolling my eyes

"Ok ayokong makipag away dahil special ang araw na to, pumunta lang ako dito para ayain kayo, pero kung ayaw mo naman, ok lang din at least diba naisipan kong alukin ka" pilit kong kinalma ang sarili ko dahil baka may masabi nanaman ako

At ayokong mangyare yun! Akma na akong aalis ng magsalita sya "what kind of food is that!" Walang gana nyang tanong, kitam kunwari pang ayaw gusto naman pala "akala ko ba ayaw mo?" Nasungitan ko tuloy sya

"I didn't say that" sambit nya saka lumabas at nilagpasan ako, bipolar talaga ang lalaking toh!

Bumalik na ako sa tent namin at nandun na ang dalawang lalaki nakaupo kaharap ng pwesto namin ni Lea, umiwas na lang ako ng tingin tapos tumabi ako kay Lea para kumuha na rin ng pagkain ko at kumain na

"Mmmbhest" tawag sakin ni Lea pero mahina lang habang may laman ang bibig "mm" taka ko syang tinignan, lumapit sya sakin saka bumulong "haba talaga ng hair mo" sambit nya habang nakatingin ng nakakaloko,😒😒😒😒

"Tumigil ka nga kumakain tayo" suway ko "kahit na, pareho silang gwapo noh, botong boto na ako kahit sino man ang makatuluyan mo sa kanilang dalawa"

"LEA!" Di ko sadyang nalakasan ang boses ko ito kasi eh, nakatingin na pala yung dalawa samin habang may laman ang bibig, "ah haha kain lang kayo wag nyo kaming pansinin" pag iiba ko para hindi na sila magtanong pa

"Are you two fighting?" Bored na tanong ni Kiel bago sumubo

Si Lea ang sumagot dahil wala talaga ako sa mood sumagot sa kanya "ah hindi nagbibiruan lang kami Diba?" Pinandilatan nya ako habang nakingiti ng fake kaya umayon na lang ako "o-oo yun nga" sabay iwas ng tingin,

Nagpatuloy lang ako sa pagkain, ni lingon hindi ko ginagawa para hindi na ako maasar pa, kahit na hindi ako tumingin nakikita ko sa peripheral vision ko na lumilinga linga sakin sina christian lalo na si Kiel

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now