💙Chapter 17💙

130 12 3
                                    

Field trip.......



"Lea!" Katok ko sa gate nila 5:00 pa lang nagpaalam na ako kay tatay sabi pa nya sya na daw bahalang magpalusot kay Nanay kahit alam ko na hindi maniniwala yun,

Hindi nagtagal, narinig ko na ang yabag ng tsenelas na naglalakad palapit sa gate at saka binuksan at bumungad sakin ang mama ni Lea, "o Athena ikaw pala Tara pasok ka sa loob andun si Lea sa sala hinahanda yung dadalhin" sambit ni tita at inakay ako papasok sa loob,

"Bhest andyan ka na pala, eto pala yung dadalhin natin" Napa "ohh" ako sa nakita ko dahil apat na malakaking bag lang naman ang bumungad sakin "seryoso ka? Lahat yan? Eh two days one night lang naman ang field trip natin" sambit ko at nilapitan sya

"syempre girlscout tong bestfriend mo kaya ayan todo handa" natatawang sabi ni tita, "correct si mother, Bhest mas ok nang sobra kesa kulang" sambit nya at ibinaba na ang mga bagahe

Sinipat sipat ko yun "Anu naman ang laman nito?" Tanong ko at ibinaba ko sa upuan ang bag ko "mga pagkain, medical kit, water, utensils, and camera" nakakapagtaka "yun lang? Pero ang lakai ng bag? Para tayong pupuntang abroad"

Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa nya, napabuntong hininga sya saka sumagot "syempre more on food tayo" simpleng sagot nya "oh tulungan mo na ako lagay sa kotse, hahatid daw tayo ni mama" sambit nya at tumango lang si tita

Tinulungan ko na syang dalhin sa kotse ang mga bag at sumakay na rin "ok girls wala nang nakalimutan ha" paalala ni tita "wala na po let's go na mama excited na meeeee!!" Kumendeng pa si Lea habang sinasabi yun,

Natawa kami pareho ni tita masyado kasing kalog at masiyahin tong si Lea,

Mabilis lang ang maging byahe papuntang school kung saan nag aabang na ang mga bus na sasakyan namin, pagdating sa school nakapila na ang ilan sa classmate namin kaya pati si tita tumulong na sa pagbit bit ng mga bag "thank you po tita" pasasalamat ko pagkalapag ng bag sa pila

"Welcome iha, oh pano mauuna na ako mag ingat kayo pareho ha, ikaw anak alagaan mo si Athena ha wag kayong maghihiwalay in case of emergency please call me ok?"

Bilin ni tita samin "opo ma, salamat at ingat ka sa pag uwi" niyakap nya ang mama nya at nakipagbeso sakin sabay kumaway at sumakay ng kotse paalis

"Excited na talaga mee Bhest" tatalon talon pa, napaka-importante talaga sa kanya ang mga ganitong event hindi ko naman sya masisisi lalo na stress talaga ang pag aaral namin lalo na graduating student....

"Alam mo mas exciting kapag nakarating na tayo sa tagaytay" sambit ko "tama ka, selfie muna tayo para pang Instagram" kinuha nya ang phone at nagsimula ng magpicture,

"Hi girls" nahinto ang selfie namin dahil dumating si Christian, "o Bhest ha wag nganganga baka pasukan ng lamok" at kumaway kay Christian,

Tinignan ko sya ng masama "ahm hello Christian mukhang ready ka na rin" nahihiyang sambit ko, pansin ko kasing sasakay na lang ang gagawin nya, isang bag lang ang dala nya "yeah right" sagot nya

"Yan lang dala mo?" Singit ni Lea "oo bakit"

"Kasi ang dami nyang dalang bag" singit ko rin dahilan para matawa si Christian at mamula naman tong si Lea "ilaglag ba ako ha ilaglag?" Kunwaring nagtampo sya kaya niyakap ko "nagbibiro lang ako" pambawi ko

"Nakakatuwa kayong dalawa ang sweet" komento ni Christian at pumila sa tabi namin "NAMAN!" Singit ni Lea na ipinorma ang daliri pataas

"Tama na yan pila na tayo"

Maya maya lang isa isa nang nag check ng attendance at isa isa nang pinapasok sa bus, sa may gitna kami nakapwesto, sa kaliwang side naman namin nakaupo si Christian katabi ang kakarating lang na si Kiel

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now