💙Chapter 10💙

155 10 4
                                    

Special guest/Save him!....

Habang wala pa namang nabili pumunta muna ako ng CR dahil kanina pa ako nilalamig dito sa loob ng shop. After kong mag cr bumalik na ulit ako sa counter para mag asikaso ng service,

Maya maya lang biglang lumapit sakin si ana dala ang menu "speaking of andito na sya" pabulong nyang sabi

"Ha? Sino?" Taka ko "ay ang slow, yung special guest mo" sambit nya "ah ok asan ba sya pupuntahan ko na?" Tanong ko mukhang napakahalaga nga ng taong to dahil sobrang asikaso nila ana

"Ayun sya sa may dulo" turo nya dun sa lalaking nakaupo sa duluhan ng coffee shop for special guest nga ang pwesto na yun "ok sige ako na bahala akin na to" kinuha ko ang menu sa kanya at aakma ng lalakad ng hawakan ako sa braso ni ana

"Bakit may nakalimutan ka pa ba?" Taka ko syang tinignan "ah anu kasi ikalma mo lang sarili mo sa kanya ha baka magalit nanaman sayo si manager" mahigpit nyang bilin saka binitawan ang braso ko

Napangiwi ako "ha? Bakit naman eh special guest nga yun Diba so magandang service ang ibibigay ko sa kanya" pero nanatili pa rin syang balisa at parang namumutla

"Ok basta yung bilin ko ha" yun lang at mabilis syang nawala sa paningin ko, nagkibit balikat na lang ako saka naglakad papunta dun sa lalaking nakatalikod

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba habang nilalapitan ko ang lalaking nakatalikod, "ah si-sir good evening welcome to our coffee shop, I am your good service"

Bati ko sa kanya na may pag aalangan "mm good may I have your menu?" Sambit nya teka parang kilala ko ang boses nya, ilang Segundo lang dahan dahan syang lumingon sakin

Nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino syang nagpapanggap na special guest, "ikaw?"

"Yup nobody!" Sambit nya at nagdekwatro pa ang paa "ikaw na bwisi-"

"Uh uh uh kakasabi mo lang na you gave me a GOOD SERVICE right?" May Diin talaga sa sinabi nyang good service, "pano mo narinig yun eh ang layo layo ko sayo kanina ha"

"Well let's say....I'm not only good looking but good hearing" turo nya pa sa tenga nya kapal! "Mukha mo maghanap ka na lang ng ibang magseserve sayo" aalis na sana ako ng magsalita pa sya

"Ok pero I'm not the reason kapag ipinatawag ka ulit ng manager mo" may banta yung sinabi nya na nagpatigil sakin at hinarap ulit sya "OK FINE SIR AT YOUR SERVICE" sambit ko na pinandilatan pa ng mata

Ayoko man pero kailangan kong pagsilbihan ang taong to para hindi na maulit pa ang nangyare dati, nangako ako sa manager namin na hinding hindi ko na ulit uulitin ang nagawa kong pagkakamali!

Tumayo ako sa tabi nya at inabot ng maayos ang menu with fake smile, "mm good girl, mmmm I want coffee macciato with less sugar
...and...this graham cake" sambit nya sa piniling menu

"Ok I repeat your order sir, you have coffee macciato with less sugar, and graham cake, what else sir" ang hirap namang makipag plastikan sa taong to!

"Oh good for asking me, my last order ako which is YOU" turo nya sakin na may kasama pang kindat, "ako?" Naituro ko pa ang sarili ko natawa ako "sorry sir pero hindi ako masarap kainin eh" sarcastic kong sabi

"Who say na kakainin kita? May freebies kayo right? So ikaw ang freebies ko" sa Sandaling ito hindi lang mata ang nanlaki sakin pati butas ng ilong lumaki at kung in character lang sa TV ang itsura ko malamang umuusok na ako sa inis

"Sorry pero hindi ako isang laruan na pwede mong hingin kung kelan mo gusto tao ako hindi freebies!" Maging seryoso na ang tono ko dahil sa ginagawa nya

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now