💙Chapter 49💙

58 5 5
                                    

Habang papalapit kami sa venue ay mas lalong lumalakas ang tunog ng speaker na naririnig namin mukang may nag eejoy agad sa party, pagkahinto sa gate bumaba na kami ni lea

"Oh pano iwan na namin kayo dito ingat kayo at mag enjoy lalong lalo ka na anak" sambit ni maam at binigayan ako ng kiss sa pisngi

"Salamat nay mahal kita"

"Mas mahal kita anak o sige baka mag start na party nyo pumasok na kayo"
"Sige ingat po kayo sa pag uwi" niyakap ko rin si tatay, "salamat tay"

"Walang anuman anak"

Hinintay muna namin silang makaalis bago kami pumasok sa loob

"Excited na ako bessy napaka ganda ng venue ang susyyyyaaaalll nakaka enganyo"

Mangha nito habang naglalakad kami sa hallway, totoo naman ang sinabi nya napakaganda nga ng paligid ang kulay kulay nya at ang gaganda ng mga songs na pinapatugtog nila.

Nang makarating kami sa mismong venue, ang may isang nilalang na sumalubong samin haha, Christian   naka maskara eto pero nakilala ko pa rin "hey girls so adorable  especially you athena" sambit nito sa malalim nyang boses sabay tanggal ng mask

"Ahhh grabeee ang gwapo mo Christian ikaw ba talaga yan?" Mangha ni lea at napatakip pa ito ng bibig "di ba obvious? Haha matagal na akong gwapo"

"Owwwsssssss lakas hangin" pang aasar ko "haha by the way nabalitaan ko nangyare sa inyo ng mama mo congrats at masaya ka  na at mas sumaya ka pa ngayon" bati nito sakin

"Salamat ha" nginitian ko sya ng maluwang, may inabot sya samin ni lea "suot nyo to we should be wearing this actually all of us here coz MC will choose two person who taking spot the most pretty and handsome at night" sambit nito sabay namin inabot ang mask pero napangiwi si lea

"Lokong MC yan pano nya malalaman kung sinong maganda at gwapo kung naka mask? Ano tmyun maganda pag may mask pag wala hindi na?" Giit na reklamo nito

"It's not the meant but we should let them" natatawang sambit nito

"Ahm siguro maupo nabtayo bago pa umusok sa inis tong si lea" pag iiba ko malapit na talagang umusok ilong nito kanina pa sya kotang kota sa mga pinag gagagawa ko

"Ok let's go, athena?" Tanong sakin ni Christian at itinaas nya ang siko nya kaya naman hinawakan ko yun kaya naalalayan nya ako "wow ha si athena lang inalok" tampo kunwari ni lea

"Ero naman nagtampo o dito ka sa kabila"

"Wag na baka maging thirdwheel pako sa inyo" sungit nito, naupo na kami saka sinuot ang mask at agad agad may dumating na waiter para bigyan kami ng maiinom

Habang hinihintay magsimula ang party, nilibot ko muna ang tingin ko sa paligid, kita ko ang mga magaganda't gwapong mga classmate namin at syempre di nakaligtas sa paningin ko ang mortal enemy kong si nichole,

Matagal tagal na rin nya akong hindi ginagambala simula nung pag bantaan sya ni Christian,  hindi naman masamang banta pero tumigil talaga sya sa tuwing magkakasalubong kami iniisnaban na lang nya ako imbes na awayin tapos iiwas nalang buti nga at napakiusapan sya ng maayos

Saka gagraduate na rin kami dapat na magbago na sya, nang magtama angmga mata namin akalo ko susungitan nya ako pero.

Himala dahil ibang iba yung nicole na nakita ko ngayon sa kilala ko noon, bigla nya akong nginitian na para bang sincere di ko makita yung nicole na laging masungit, siguro nga talagang totoong kayang magbago ng isang tao, naalala ko tuloy si nanay, maging sya rin ay nagbago ng husto para sakin

Nawala lahat ng atensyon ko kay nicole, mali lahat ng atensyon namin ng may biglang dumating na isang lalaki na naka mask suot ang napakagarang black suit napaka professional nitong maglakad sa red carpet

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now