💙Chapter 43💙

69 3 4
                                    

Joseph's POV;






"Ano masaya ka na ba na wala na ang anak mo? Puro sarili mo lang ang iniisip mo, ni minsan hindi mo man lang inisip ang nararamdaman nya, simula pa nang pagkabata nya lagi mo na lang syang pinagtatabuyan na para bang hayop lang anong klase kang ina at kaya mong saktan ang anak mo-"

"Di ko sya anak!, wala akong anak ng RAPIST-"

"Anak mo sya, anak natin sya, kahit na rapist ang ama nya naging mabuting anak sya satin sayo pero anong isinukli mo? Masyado mong pinahirapan at sinaktan kahit na wala naman syang ginawang kasalanan sayo"

Alam kong marami na ang nakakarinig ng sigawan naming mag asawa pero wala na akong pakealam lalo na kung si athena na ang pinag uusapan, sinuntok ko ang pader na halos magkabiak na ito lalo na at hindi naman ito semento

Sobra na ang ginagawa nya, hindi ko na kayang magtimpi pa lalo na nang mangyare ang kinatatakutan ko, ang malaman ni athena ang katotohanan, ilang beses kong sinusubukan pigilan si Lourdes sa mga sinasabi nya pero hindi akalaing magagawa nya pa rin ang sabihin kay athena ang totoo

Tumayo sya at hinarap ako "bakit Joseph sa tingin mo ba, ako hindi nasasaktan? Na sa tuwing makikita ko ang batang yan, palagi kong naaalala ang lahat ng kahayupang ginawa sakin ng tatay nya, masaya ako noon eh maganda ng buhay ko, marami akong pangarap na gustong gawin pero nawala lahat ng yon sa isang iglap lang, ngayon sabihin mo nga sakin kung paano ko mamahalin ang batang yon?"

Sigaw nya habang naiyak "pero alam mo sa sarili mo na napakabait ng batang yun, ni minsan hindi tayo pinahirapan kahit na madalas mo syang saktan"

"Kahit ano pang sabihin mo sakin wala akong pakealam at hinding hindi na magbabago ang pagtingin ko sa batang yan" huling sambit nya bago lumakad pero nagsalita ako dahilan para mapahinto sya

"Sige ikaw ang bahala, pero sana lang hindi mo pagsisihan ang lahat ng desisyon mo" bago pa man sya mauna sakin inunahan ko na sya lumabas ako para magpalipas ng sama ng loob

Sana athena anak ayos ka lang lagi mong tatandaan na andito lang si tatay kahit hindi ako ang totoo mong ama mahal na mahal kita anak!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Athena's POV;

Dumiretso kami sa bahay ni lea at duon ko gustong ibuhos lahat ng emosyon ko, halos di ko na kayang ihakbang ang mga paa ko na para bang lantang gulay ang buong katawan ko, bakit ba halos lahat nalang yata ng kamalasan binigay sakin?

Siguro nga hindi ako karapat dapat maging masaya....

Madaling lumapit sakin si lea hawak ang isang basong tubig at umupo sa tabi ko "oh eto inumin mo muna baka madihydrate ka nyan!" Nag aalalang sabi nya habang hinahagod ang likod ko

"Ano ba kasi talaga ang nangyare bakit parang ang gulo gulo na ng sitwasyon sa pamilya nyo?" Naguguluhang tanong nya, kasabay nun ang pag agos ng maraming luha sa mata ko "kaya pala.." hindi ko maituloy ang sinasabi ko

"Kaya pala ano?" Ulit ni lea na hinihintay ang sunod kong sasabihin "........kaya....pala....kaya pala kung tratuhin ako ni nanay para bang basura ako na gustong gusto nyang itapon dahil........dahil ako pala ang bunga ng nakaraan nya" napayuko na ako sa sobrang iyak ko

Niyakap ako ni lea ng mahigpit "nakaraan? Bakit?" Mahinahon nyang tanong habang hinahagod ako "ni-rape si nanay ng totoo kong ama noon"

"Shhhhh tahan na naintindihan ko" putol nya sakin dahil naluha nanaman ako sanadali pa kaming natahimik bago sya nagsalita "mabuti pa siguro kung dito ka muna samin welcome ka naman lagi dito, para naman maibsan yang sama ng loob mo kaya tahan na ha!" Damay nya sakin

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now