💙Chapter: 28💙

120 9 3
                                    

Suitor.......






Pagkabalat ko ng mansanas at paghiwa ng orange inilapit ko yun kay Kiel para pakainin sya "kain ka muna Neto kahit ilang piraso lang para naman magkasustansya yung katawan mo" alok ko, walang pagdadalawang isip na tumango sya

"Ah!" Muntik akong mapatayo sa pag inda nya, "bakit ano may masakit ba sayo?" Pag aalala ko bigla kasi syang napasigaw pero hindi ganon kalakas pero bakas ang kirot sa mukha nya

"Ok lang ako medyo kumirot lang ang sugat ko pag kumikilos ako" parang gusto kong iuntog sa pader ang ulo ko para lang maalalang mahina pa sya na dapat inaalalayan at hindi pinipwersa!

"Sorry ha di ko sinasadyang pakilusin ka, wag ka ng kumilos ahh....mabuti pa susubuan na lang kita" lumapit pa ako ng bahagya sa kanya para subuan sya

"Marasarap?" Tanong ko habang nakangiti tumango rin sya "yeah, and....thanks!" Sambit nya pagkalunok ng mansanas bahagyang nakunot ang noo ko sa sinabi nya "salamat? Saan?"

"Sa lahat.........sa pag aalala....sa....pagbisita..
.sa....pag alaga"

Sandali akong natahimik, at napaisip kung tutuusin, kulang pa tong ginagawa ko kumpara sa sakripisyong ginawa nya makaligtas lang ako, may bahagi sakin na hindi ko maipaliwanag,

Ilang beses ko na ring tinatanong sa sarili ko yun pero hanggang ngayon, nananatiling Malabo pa rin sakin lahat.......sa ngayon ang concern ko ay ang gumaling si Kiel

Kahit araw araw ko syang bantayan at alagaan gagawin ko hanggang sa gumaling sya, dahil yun ang sa tingin ko para makabawi sa kanya "ang tahimik mo, any matters?" Napakurap ako ng ilang beses ng magsalita si Kiel, hindi ko napansing kanina pa pala sya nakatitig sakin

Umiling ako at sabay ngiti "wala yun Anu ka ba ako nga ang dapat magpasalamat sayo eh!" Napayuko ako ng sinabi ko yun "hindi ako dapat" pagbawi nya "ako nga yun" pilit ko rin "no its me" pilit nya "ok pareho na lang tayo" tinapos ko na paulit ulit kasi kami eh

Pareho kaming nagkatitigan at pareho na lang kaming natawa

"Hoy!!! Ano na naman yang tawanan nyo hindi na naman ako nakakakarelate, ikaw Athena kanina ka pa walang sinasabi sakin" nag aalburutong sermon ni Lea paglapit samin galing cr

Nakita ko ang pagkunot noo ni Kiel sa kanya "huh? Why what happen?" Inosenteng tanong ni Kiel lumapit ito sa tabi nya at nagpameywangan "ito kasing Rapunzel na to wala akong kaalam alam na nagconfess na pala sa kanya si christian, tapos ayun nililigawan na pala ni-"

"Nagconfess? Nililigawan?" Gulat ni Kiel saka dahan dahang lumingon sakin, at may kakaiba sa tingin nya pero di ko maipaliwanag, medyo nailang ako sa titig na yun "Athena is it true?" Walang emosyon nyang tanong at halos pabulong

Bakit parang natahimik ako at hindi ko alam ang dapat sasabihin, ngayon ko lang nakitang tumingin ng ganyan si Kiel bakit parang bumigat ang loob ko na tila ba nakikisimpatsa sa sa kanya

"Ahm......." Tumango ako ng mabagal dahil walang lumabas na salita sa bibig ko, nakita ko ang pag iwas ng mga mata nya "do you accept him to be your suitor?" Sambit nya ng hindi nakatingin sakin

"Ah" huminga ako ng malalim "oo pumayag ako" nalilitong sagot ko, Anu bang problema? Gusto ko naman si Christian, ginusto ko to at pumayag ako, kaya bakit ako nakakaramdam ng lungkot,

Dahil lang ba sa sinabi ni Kiel? Mali ang mag isip pa ako ng kung ano ano, ang mahalaga gusto namin ang isat isa at masaya ako na ayos na kami ni Kiel.

Ngumiti ako para ibahin ang nakakabinging katahimikan na bumabalot sa buong kwarto "ahm Lea mabuti pa siguro tulungan mo na akong magligpit dito" pag iiba ko, mukhang nakuha naman nya ang punto ko kaya "Ay oo may pasok pa tayo bukas" mabilis nyang niligpit ang kalat saka binitbit ang bag sa upuan

I-m fine with U || KOOKU (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara