💙Chapter 8💙

161 13 3
                                    

"Let's go?" Tanong sakin ni Christian na kakarating lang habang kami ni lea, inaayos ang gamit ko na nagkalat

Tumango lang kami at inalalayan na nila ako pababa sakay ng wheelchair, pagdating sa exit ng hospital Sandaling kinuha ni Christian ang kotse nya at dun kami sumakay..."hay salamat makakauwi narin" sambit ni Lea habang nagkakabit ng seatbelt

"Oo nga" tugon ko..... Habang nasa byahe, tahimik lang kaming tatlo hanggang sa mapansin kong nakatulog na pala si Lea alam kong pagod sya sa pagbantay sakin Kaya hinayaan ko na lang syang makatulog..

Tumingin ako sa may bintana kung saan matatanaw ang ibat ibang gusali at mga magagandang bahay, pinilit kong ipikit ang mga mata ko para magpahinga pa pero ayaw makisama ng mata ko

Kaya nanatili na lang akong nakadungaw sa bintana ng kotse, "something bothered?" Napatingin ako kay christian sa rear mirror sa harapan

"Ah wala naman" maikli lang ang naging tugon ko, para kasing wala ako sa mood makipag usap "if you have something bothering on you just tell I'll listen" sambit nya ng hindi inaalis ang tingin sa kalsada

"Salamat" binalik ko na ulit ang tingin sa bintana.....
.
.
.
.
.
.
.
Mabilis lang ang naging byahe dahil nakarating agad kami sa bahay, inalalayan na ko nila na bumaba at ihatid sa loob ng bahay pero sinalubong kami ng maanghang na salita ni nanay

"Kalandian nanaman ba ang inaatupag mo kaya ka nagkaganyan?" Galit na tanong ni nanay habang nakapameywangan "nay hindi ka man lang ba nag alala sakin na muntikan na akong mapahamak kagabe?"

Nagbabadya nanaman ang luha ko dahil sa sitwasyon, bigla syang umismid "kasalanan mo lahat ng nangyayare sayo buwisit ka" ibinato ni nanay ang santambak na labahan

"Tama na ang kaartihan mo maglaba ka na at marami ka pang lilinisin" maabilidad nyang utos "pero tita kakalabas lang ni Athena ng hospital baka pwede namang magpahinga muna sya" singit ni Lea at dinampot ang nagkalat na labahan sa sahig

"Aba aba naghanap ka pa ng kakampi pwes di uubra sakin yan" sambit nya "ahm ma,am I hope you can give her some more time to rest" singit naman ni Christian na nakaalalay pa rin sakin

"Sino ka naman boyfriend ka ba nya?" Pareho kaming nagulat sa sinabi ni Nanay "no ma,am I'm Christian her friend"

"Kaibigan ka lang pala kung maka suggest ka, alam nyo kayong dalawa umalis na kayo hindi kayo welcome sa bahay to"

"Nay tama na wag mo naman silang idamay wag mo silang bastusin nay naman" tuluyan ng bumagsak ang luha ko, sobrang napapahiya na ako kila Lea at Christian

Bakit ba ganito si nanay? "Ewan ko sa inyo magsama sama kayo" sambit nya sabay alis at kaming tatlo natahimik.."ok ka lang Bhest? Gusto mo samahan ka muna namin dito?"

"Hindi na Bhest salamat na lang sa pag asikaso mabuti pa siguro umuwi na kayo baka kung ano pa ang masabi ni nanay sa inyo" hindi ko intensyon na paalisin sila pero ayoko namang idamay pa sila ni nanay sa galit nya sakin

Humarap ako kay Christian saka nagsalita "christian sorry ha kung nakita mo pang pinapagalitan ako ni nanay at sorry kung may nasabi man si nanay sa inyo"

Paghingi ko ng tawad sa kanila "don't say sorry what important is your safe" pag cocomfort nya "oo nga Bhest" dugtong ni Lea

"Sige na iwan nyo na ako ayos lang ako dito" paalam ko sa kanila "sure?" Tanong ni Christian kaya tumango ako at "oo kaya uwi na kayo kita na lang tayo bukas"

"O sige. Basta text mo kami kapag may needs ka ha" sabay yakap sakin "oo" nagpaalam na sila at sabay na umalis, ngayon naiwan na kong mag isa

Dinala ko na ang labahan kahit na iika ika akong maglakad dahil sa masakit pa rin ang sikmura ko ramdam kong may pasa na to kaya ganito kasakit sana lang gumaling na.
.
.
.
.
.
.
Nang matapos ko na ang labahan, naglinis naman ako ng bahay sa totoo lang kada hakbang at galaw ko lalong nakirot sa sakit ang katawan ko, kaya binilisan ko na lang ang paglilinis saka ako umakyat ng kwarto at dahan dahang humiga

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now