Special Chapter

37.6K 1.1K 448
                                    

Song: Falling Like the Stars- James Arthur

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Song: Falling Like the Stars- James Arthur

Jaxon returns after 3 years 

Hindi pa rin ako makapaniwala sa kung sino ang nasa harap namin ng anak ko ngayon.

After years of being gone and thinking that he's probably dead, here he is... right in front of me again.

Nagpatuloy ang pag-agos ng luha ko habang nakatingin sa kanya. Ang anak namin, kahit hindi nakasama ang ama niya mula nang isinilang siya, masayang masaya na nakayakap sa kanya ngayon.

Jaxon closed his eyes as he press a long kiss on George's head.

Nang iminulat ni Jaxon ang kanyang mga mata, agad itong tumama sa akin. A small smile immediately formed in his lips. I know I look like a mess since I've been shedding all these tears ever since he appeared in front of that door.

Kasalanan mo 'to, Jaxon! Kasalanan mo kung bakit ako iyak nang iyak ngayon.

"Come here..." aniya at sinubukan akong palapitin sa kanya.

My hands trembled as I try to reach for him. Nang tuluyan ko siyang mahawakan, mas lalong umagos ang luha ko.

Totoo nga. Totoo ngang nandito siya. Hindi ako nananaginip. Buhay na buhay ang asawa ko!

I know I'm not the kindest person that ever walked on earth. I judged too many people. I've been harsh to a lot of people. Ang dami ko nang ginawang mali pero hindi ko ba alam kung bakit ang bait-bait pa rin ng mundo sa akin.

Sa halip na pagbayaran ko iyong masasamang nagawa ko noon, parang mas binibiyayaan pa ata nila ako.

Jaxon enveloped me in his arms while I continue to cry. Akala ko talaga tuluyan na siyang binawi ng mundo sa akin. Akala ko hindi na talaga kami magkikita ulit.

There is a reason why it was so hard for me to accept his death. Because there's always been this voice inside my head that believes that he's still alive. At mabuti na lang at palagi kong pinakikinggan ang boses na iyon dahil kung hindi, para akong tangang pinaglalamayan ang taong buhay naman pala!

"You made mommy cry, Daddy!" Nagtatampong sinabi ni George.

Natawa naman ako roon kaya napapalis ako ng luha. Natawa rin si Jaxon at tinanaw ang anak na mukhang ayaw nang umalis sa bisig niya ngayon. Parang ako rin, ayaw ko na ring umalis. Parang gusto ko na lang dito palagi.

Gusto ko na rito nalang para masiguro kong hindi na siya ulit mawawala sa akin.

I admit... it was hard going all through this without him. Mahirap palakihin si George habang nasasaktan pa rin ako sa pagkawala niya. It was even tougher during the time that I was about to give birth because that was the exact same day that I was told that he went missing.

"No. Daddy did not make Mommy cry. Mommy is crying because he's happy to see Daddy again!" my voice broke a bit.

Ngumuso si George at tiningnan ang ama na kamukhang kamukha niya.

Until the End of Time (Donovan Series #2)Where stories live. Discover now