Chapter Thirty-One

44.1K 1.1K 489
                                    

Song: 'Till My Heartaches End- KZ Tandingan

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

Song: 'Till My Heartaches End- KZ Tandingan

Mistake

Kahit na nakalapit na kami sa eroplano, patuloy parin akong kinakawayan ni Kiel. Ang nakatatandang kapatid niya naman ay nanatiling nakapirmi sa kanyang pwesto.

"Hi, doctora! It's been a long time." Ani Kiel sa akin.

Hindi ko magawang ngumiti sakanya o kawayan man lang siya pabalik. Tumango na lamang ako bilang sagot.

"O-Oh..." narinig kong bulong niya sabay ibinaba na ang kamay at tsaka tumigil na sa kakakaway sa akin.

I did not dare to look at any of them again. I just can't believe my Dad let this happen.

Akala ko ba nasa Syria siya? Doon talaga siya nakadestino diba? Anong ginagawa niya dito? Why is he joining us?

Bumaba naman silang dalawa upang salubungin kami. Agad na tumabi sa akin si Ethan. They both stopped in front of us. Hindi ko siya tiningnan sa mata. I looked pass him. I tried to pay attention to what he has to say. Pero kahit na hindi siya tinitingnan ay ramdam ko na titig na titig siya sa akin. Nilingon ko naman si Kiel. Agad siyang ngumiti sa akin nang mahagip niya ang tingin ko.

"Good morning, everyone. I'm Captain Jaxon Alexander Ventura. Just like before, I will be in charge of your security during your stay in Afghanistan. Are there any questions before we take off?"

Nanahimik nang sandali ang mga kasama ko but then, I heard the same nurse who asked about him during our meeting spoke and she started giggling.

"Akala ko po hindi ka namin kasama?" medyo malambing na tanong nito. Napapikit nalang ako.

Agad rin akong nakarinig ng mga bulungan.

"Ano ba naman 'yan, Viv. Bakit 'yan pa ang tinanong mo?"

"Manahimik ka nga dyan!"

"Nakakahiya ka!"

'Yan ang mga salitang narinig ko matapos na tanungin ni Vivian iyon. Nagawa pang tumawa ni... Jaxon sa tanong niya. Hindi ko parin siya nililingon.

"I had a change of heart. I had to get this mission for someone."

Doon ako napaangat ng tingin sakanya. What does he mean by that? Na hindi talaga para sakanya ang misyon na ito? Na kinuha niya ito para sa isang tao?

Para kanino?

It would be impossible kung ako iyon. He already pushed me away. Wala nang bawian ng naging desisyon.

Nang mag-angat ako ng tingin ay agad rin na tumama ang tingin ko sakanya. As if he's been looking at me for a long time now.

This is the first time I will look into his eyes again after two years. Hindi ako makapaniwala na kaya ko pa palang gawin iyon. I got drawned into his eyes before kaya medyo nahirapan akong limutin iyon.

Until the End of Time (Donovan Series #2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora