Chapter Three

47.3K 1.2K 153
                                    

Song: City Song- Grace VanderWaal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: City Song- Grace VanderWaal

Rest

Nang makarating kami sa Afghanistan ay nagulat ako sa aking nakita. There are a lot of wounded people. Mapasundalo man o sibilyan. The worse thing is, nasa barracks palang kami. Ano pa kaya pag nandoon na kami sa critical area?

I can't help but look at the children whining to their mothers dahil gutom na sila. Ang ibang bata ay may mga sugat pang hindi nagagamot.

Hindi ko na napansin pa na sobrang pagod pala ako sa byahe dahil sa nakikita ko ngayon. Hindi ko na kailangan pang indahin ang pagod. Kailangan na silang bigyan agad ng atensyon. Pag tumagal pa lalo ang mga sugat nila, magkakaroon ito ng infection at maari pa silang makakuha ng sakit.

Tumigil ako sa paglalakad para harapin ang mga kasama kong mga doktor at nurses.

"Everyone," Kinuha ko ang atensyon nila. Lahat rin sila ay nakatingin sa mga sugatang sundalo at sibilyan. Kung hindi pa ko magsasalita ay hindi sila matitinag sa kakatingin. "They need our full attention right now. Huwag niyo munang intindihin ang pagod niyo. They need us. I hope we'll work together."

Tumango sila sa akin at ngumiti. "Yes, doktora."

"I'm leaving you para pumunta doon sa critical area. Kami ang gagamot ng ibang sibilyan doon. Rico, take charge of the team here. Make sure na lahat ay kumikilos."

Tumango si Rico at binigyan ako ng thumbs up. Good thing that everyone that I brought here are willing to make a move. Ang problema lang, takot lang sila pumunta doon sa mga kritikal na lugar.

Hinanap ko si Captain Sungit para sabihin sakanya na handa na kaming umalis. Nakita ko naman siyang may kausap na iba pang sundalo. Nakakunot ang kanyang noo habang kausap ito.

Ano ba 'yan! Pati ba naman sa sundalo niya nagsusungit siya. Grabe!

He must've noticed that someone's staring at him kaya napabaling ang tingin niya sa amin ni Ethan. His eyes locked in mine. He dismissed the soldier he was talking to earlier.

Hindi niya parin inaalis ang tingin sa akin. Infairness, magaling 'tong si Captain Sungit sa staring contest ha? Well, he challenged the right girl. Sanay na sanay ako sa ganito kaya hindi ako magpapatinag. I'll wait for him to break our gazes.

Pero ako pa ata ang talo. Naputol ang pagtitinginan namin nang may humawak sa aking balikat. Nilingon ko si Ethan.

"Aren't we going to leave yet?" Tanong niya sa akin. 

I shrugged at hinarap muli si Captain Sungit pero wala na siya doon. Bilis niya namang mawala! Parang kanina lang nagsstaring contest pa kami ah!

Naglakad ako patungo sa labas nitong barracks. Sobrang raming sundalo ang nandito! Ang iba ay pabalik-balik sa pagdadala ng mga narescue na silibyan o di kaya ang iba ay dala-dala ang sugatang kasamahan. 

Until the End of Time (Donovan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon