Chapter Twelve

41.2K 1.2K 358
                                    

Song: The A Team- Birdy (Cover)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Song: The A Team- Birdy (Cover)

Difference

Pagkababa namin ay agad akong sinalubong ng team ko. Some were relieved to see me alive and some are still shocked about what happened.

Agad akong dinaluhan ni Ethan. I glared at him habang papalapit siya sa akin.

"Oh my god, Margaux! Thank God, you're alive! Sorry kasi-"

I cut him off by hitting him on his chest. Nakakafrustrate itong isang 'to! He should've informed me na may plano man lang siyang tumakas na sa oras na iyon!

"Oo! Thank God talaga at buhay pa ako. Kasi kung hindi, mumultohin kita hanggang sa mamatay ka sa konsensya! Goodness, Ethan! Hindi mo alam kung gaano ako katakot ng oras na 'yon! Paano kung hindi ako makabalik ha? Ano sasabihin mo kay Daddy?" I shouted dahil sobrang nafrustrate talaga ako sakanya.

"I'm sorry! Iniisip ko lang talaga kung paano ko ililigtas ang sarili ko. I couldn't think straight! Takot lang rin ako."

"E, paano ako ha? Hahayaan mo akong mamatay dun? Bwisit ka rin, e. Pagkatapos mo akong ayain! Handa rin naman akong tumakbo kung sinabi mo lang!" inirapan ko siya.

Magsasalita pa sana siya ngunit napunta ang atensyon niya sa taong nasa likod ko. Nagulat siya nang makita ito. I know he was looking at Jaxon behind my back.

"You saved her?" tanong nito. Hindi ko narinig na sumagot si Jaxon pero naramdaman ko ang pagkibo niya. Maybe he nodded at him.

"We'll just talk later, Ethan." Sabi ko at tsaka nilagpasan silang lahat doon. Dumiretso ako sa barracks para magpahinga at para mawala rin 'tong takot na nararamdaman ko.

Paano kung mangyari pa 'to ulit? Hindi lang sa akin kundi sa mga taong nandito?

Paano kung matunton nila ang barracks namin? The soldiers should do something right away! Papasok na sana ako sa kwarto ko nang marinig ko si Jaxon.

Bakit niya pa ako sinundan? He should give orders to his soldiers now!

"Margaux..." I sighed and stopped what I'm doing. Dahan dahan ko siyang hinarap.

"Can we-" magsasalita sana siya ulit pero agad ko ring pinutol 'yon.

"I'll call my father now para sabihin sakanya ang nangyari." Sabi ko. Walang emosyon siyang nakatingin sa akin.

"There's no need to call your Dad. Ako na ang magsasabi sakanya." Umiling ako at hindi siya hinayaan sa gusto niyang gawin.

"Ako na. At tsaka... ayokong ikaw pa ang mapagalitan ng dahil sa akin. You've already done so much. Mas mabuti pang sabihan mo na ang ibang sundalo na umaksyon na bago pa mangyari 'to ulit." Paliwanag ko.

Sa tingin ko ay gusto niya pang mag-salita. Pero agad rin naman siyang tumango. Sa halip na umalis na sa harap ko ay hindi siya gumalaw. It's like he's hesitating to speak or not.

Until the End of Time (Donovan Series #2)Where stories live. Discover now