Chapter Thirty-Three

46.5K 1.1K 1K
                                    

Song: Guns N Roses- Jay Sean

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Guns N Roses- Jay Sean

Terrifying

I ignored Jaxon just like how he ignored me a few years ago. Tumagal iyon ng tatlong buwan.

And in those three months, he keeps on trying to get my attention. But I was too busy to even acknowledge him. Wala rin akong oras para sa kung ano mang gusto niya.

Sa tatlong buwan na iyon ay pabalik-balik kami sa critical area. It's true. The battle in Afghanistan has gotten worse at napatunayan ko iyon mismo sa aking sarili. Hindi na ako magugulat kung may biglaan mang pamamaril na magaganap. Us, Doctors, are quick enough to respond. Ganoon rin ang mga sundalo. Minsan naman ay may biglaang pagsabog rin, which will cause tremors around the area.

"Oh my god!" sigaw ni Erin nang makarinig kami ng napakalakas na pag-sabog.

Napaupo ako at agad na nagtago sa ilalim ng lamesa sa biglaang yanig na dulot ng pagsabog. Ang mga tao sa loob ng tent ay nagkakagulo na. Nagawi naman ang tingin ko sa isang batang lumabas ng tent.

"My god, no!" I shouted at agad na napatayo para habulin ang bata.

"Where are you going, Margaux?!" agad na tinanong ni Ethan. Napalingon naman ako sakanya nang bigla niya akong hilahin pababa. Asking me not to go anywhere, but hide.

"It's too risky to go outside! Stay here!" aniya.

"No! There's a kid who went outside! I need to bring him back here." Sabi ko at binalewala na ang pagpigil niya sa akin.

Pagkalabas ko ay nilibot ko ang paningin sa buong paligid. Dead bodies are all over the area. Ang iba ay mga sundalo pero ang karamihan ay mga sibilyan.

I suddenly got so scared about his life. Hindi ko pa siya nakikita kanina pa. Not that I care, I'm just really... concerned about his life.

Kahit ba na hindi ko siya pinapansin o kaya kahit na galit ako sakanya, ayoko namang mawala siya sa mundong ito. May pamilya pa siyang kailangan niyang uwian. May kapatid pa siyang kailangan balikan. And he also has a dream to pursue.

Binalewala ko nalang ang iniisip at hinanap ang batang tumakbo palabas kanina. I look all over the area pero wala akong makita ni anino man lang niya.

"You need to go back to the tent." Ani ng isang sundalo nang makasalubong ako.

"No. I need to find this kid."

"No, Ma'am-"

Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin dahil nilagpasan ko na siya. Nakita ko ang bata kaya agad ko siyang pinuntahan. He's hiding under a house.

Hindi pa ako hustong nakakalapit ay nakarinig muli ako ng pag-sabog. This time, it was quite near his place. The tremor the bomb gave shook the whole house he was hiding in. I heard his cry.

Until the End of Time (Donovan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon