Chapter Sixteen

41K 1.2K 189
                                    

Song: Maybe The Night- Ben&Ben

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Maybe The Night- Ben&Ben

Anticipate 

I don't know what made me realize that I already like him. Maybe I felt a sudden adoration towards him. 

Baka nga... Siguro at dahil rin sa mga bata iyon. Nakakadagdag talaga ng attraction ang malapit sa mga bata.

I pressed my stethoscope on the child's chest to check his heartbeat. So far, maayos naman lahat ng nachecheck up namin ngayon. Walang may sakit. Kung meron man, benign lang at maaagapan pa. I felt so relieved.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-check ng bata nang maramdaman kong mag-vibrate ang aking cellphone. Agad ko itong kinuha sa bulsa ng coat ko upang tingnan kung sino 'yung tumatawag. Surprisingly, it was my Dad who's calling.

I excused myself at ipinasa sa ibang doctor ang batang chinecheck ko kanina upang sagutin ang tawag.

"Hello?" I said once I answered.

"Margaux!" nagulat ako sa bungad niya sa akin. Nakaramdam ako bigla ng takot. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nakaramdam noon, e, wala naman siya dito.

"Why didn't you tell me that you operated someone from a tribe?!" hindi na ako nagulat na nakarating sakanya ang balita. Alam ko namang may mag-sasabi sakanya noon.

Jaxon maybe. He's the one who always gives my father the update that he needs. Kaya sa tingin ko, siya ang nagsabi kay noon. Huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot.

"Dad, mamamatay 'yung tao kung hindi agad naagapan."

"Kahit na, Margaux! Wag kang magdedesisyon na walang pahintulot ng mas nakakataas! Paano kung may nangyaring masama? Paano kung hindi mo nailigtas 'yung buhay ng taong 'yon?! Ano sa tingin mo ang gagawin sa'yo ng tribong iyon ha?"

Hinilot ko ang sentido ko. Nagpatuloy siya sa pag-sasalita. 

"Alam mo bang bawal iyon ha? You are not allowed to operate on anyone unless they're from the military or from the civilians! You should know your limitations as a doctor. Hindi 'yung opera ka lang ng opera! Mag-isip ka naman muna, Margaux, bago mo gawin. Don't be so reckless. Wag mong dalhin 'yan dyan sa Afghanistan! You should act professional!"

Naiinsulto akong natawa sa sinabi niya. "Isn't that an act of professionalism? I only did my job as a doctor... Dad, I took an oath. I promised to save the people in need. At hindi ko basta basta pwedeng sirain ang pangakong iyon dahil lang bawal. That man clearly needs help. What do you want me to do? Watch him die? Kahit na alam ko sa sarili ko kung anong mali at kung paano ko siya matutulungan?"

Matagal bago siya muling sumagot. 

"I'm surprised Jaxon did not tell me about this. Nalaman ko pa sa ibang sundalo! Huwag na itong mauulit, Mari Gauxiena! Sinasabi ko sa'yo... nakakadalawang beses ka na. Isa pang ulit mo, hindi ako magdadalawang isip na pabalikin ka dito,"

Until the End of Time (Donovan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon