Chapter Fifteen

41.8K 1.2K 358
                                    

Song: Till The End Of Time- Jona x BoybandPH 

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Song: Till The End Of Time- Jona x BoybandPH 

Like

I made sure na mas maauna akong magising kaysa sa alarm ko. I should be up at seven o'clock. because Jaxon promised to be here at exactly eight o'clock. Alam ko namang sobrang punctual niya when it comes to this kaya kailangan ay punctual rin ako.

I wore my halter top bodysuit and paired it with a faded skinny jeans. I checked the time. It's seven-fifty. Tamang-tama lang para makapaglagay pa ng kahit kaunting make-up.

I finished at exactly eight o'clock. Nagbilang muna ako hanggang lima bago ko buksan ang pinto.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat... Lima.

I opened the door and there he is! The very punctual Captain Jaxon Alexander Ventura is waiting outside my door. He was really serious about waiting outside at exactly eight o'clock in the morning.

"Good morning!" bati ko sakanya.

Hindi siya sumagot at sa halip ay pinasadahan lang ako ng tingin. Sa tingin na ibinibigay niya... mukhang hindi niya nagustohan ang suot ko.

Why? Wala namang masama sa suot ko ah? It's not too revealing at hindi rin naman masyadong tago. Normal lang. So, what's with his face?

"Shall we go now?" aya ko sakanya.

"You should eat breakfast first." My mouth parted. Oonga pala!

Maybe I was just too excited to go to the lagoon and that I haven't thought about eating breakfast. Tumango ako at sumunod na sakanya.

"Did you eat breakfast already?" I asked. Hindi niya ako nilingon.

"Not yet. I'll join you."

"Oh. Okay." Tumango tango ako. Nilagpasan namin ang iibang doctor at sundalo at ang iba sakanila ay napapatingin sa gawi namin.

Lalo pa sigurong rumami ang mga matang nakamasid sa amin nang makahanap na kami ng upuan. Siya na ang kumuha ng pagkain namin. Wow! I really appreciate the gesture.

We started eating quietly. Ngunit napatigil lang ng may tumawag sa akin.

"Doctora!" agad akong napalingon sa bagong dating. Kiel sat on the vacant seat on my right. "Good morning." Ngumiti siya sa akin.

"Kuya," Tinanguan niya ito at ganon rin ang ginawa ng kapatid.

"Hindi man lang kayo nag-aaya. Kuya, you should've told me para ako na sumundo sakanya." Anito sa kanyang kapatid.

Sa halip na sumagot ay sinandal lang ni Jaxon ang kanyang sarili sa upuan. He crossed his arms over his chest. Diretso siyang tumingin sa akin na naging rason naman kung bakit ako napaiwas ng tingin sakanya.

Until the End of Time (Donovan Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora