Chapter Twenty-Two

40.5K 1K 128
                                    

Song: Die For You- The Weeknd 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Song: Die For You- The Weeknd 

Stop

We continued what we're doing for a week.

Nagpunta rin kami sa critical area kahapon. That is our last day of going in that place. Ang mga susunod na linggo, puro sa headquarters nalang.

Buti nalang rin at walang masamang nangyari kahapon doon. We spent the whole day treating the civilians. Hindi ko rin nakita si Jaxon ng isang linggo. Balita ko kasi may pinuntahan silang lugar ng ibang mga sundalo. They need him there kaya nandoon rin siya.

I gotta say that I miss him. Tuwing may dadating na truck, iniisip ko sakanila iyon. Pero ganun pa man, sinusulit ko naman ang natitira kong oras sa lugar na ito.

Bitbit ang isang box na puno ng gamot ay nagtungo ako papunta sa medical room. Habang naglalakad ay nakasalubong ko naman si Kiel. Nagulat siya nang makita ako kaya agad siyang lumapit.

"Let me help you with that, doctora." Kinuha niya naman ang box sa akin at siya na mismo ang nagbitbit.

"Thanks," I mumbled. Inipit ko naman ang takas na buhok sa likod ng aking tainga at nagsimula nang maglakad patungo doon sa medical room.

"A busy week, huh?" Sabi niya habang naglalakad kami.

"Yeah. And a very tiring week, too." We both chuckled with that.

"Ganun talaga dito. Kapag alam nilang malapit na kayong umalis, tsaka nila kayo sasagarin ng trabaho." nilingon ko siya at niliitan ng mata.

"How many years have you been here?" Matagal na kaming magkakilala pero ni minsan hindi ko naitanong sakanya kung ilang taon na ba siyang namamalagi dito.

"More or so five years." Proud niyang pagkakabanggit.

"Five years?!" I was shocked. He's twenty-five. So, it means twenty years old palang siya, nandito na siya? Oh my gosh!

"Umuuwi ka pa ba?" I asked him. 

Ang hirap naman ata ng five years na nasa gyera ka lang lagi. Nagkikita pa ba sila ng magulang niya?

"Of course. Tuwing uuwi ako may dalawang buwan akong bakasyon." tumango naman ako.

"How about Jaxon? Ilang taon na siya dito?"

There are a lot of things that I still don't know about his brother. Unang una, hindi naman siya masyadong nagkukwento. Madalas niya lang na sinasabi sa akin ay 'yung mga karanasan niya bilang isang sundalo. Bukod doon, wala na.

Hindi rin naman kasi kami dumaan sa getting to know stage. Ang sungit sungit niya kasi nung una naming pagkikita kaya sino ba naman ang gustong kumilala sa taong alam mong susungitan ka lang?

"Oh, just like you almost ten months lang rin siya dito." My forehead creased. So, this was also his first time here.

"But he was serving the military for eight years now."

Until the End of Time (Donovan Series #2)Where stories live. Discover now