Chapter Four

43.3K 1.2K 143
                                    

Song: Safe & Sound- Taylor Swift ft

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

Song: Safe & Sound- Taylor Swift ft. The Civil Wars

Save

Hindi pa namin lubusan nararating ang critical area ay nakakarinig na agad kami ng mga putukan ng bala at pag-sabog ng bomba. I suddenly feel so scared right now. Ayoko pa namang mamatay pa. Marami pa akong gustong gawin sa mundo.

Nagulat ako nang may tumamang isang bala ng baril sa bintana ng kotse na sinasakyan namin. Napabuntong hininga ako dahil sa mismong parte ko tumama 'yung bala. 

Gosh! Kung hindi lang siguro bulletproof itong kotse na 'to baka patay na ako ngayon. 

"You okay?" Ethan asks. Nilingon ko siya at tsaka naman tumango.

"You look so pale." Hinawakan niya ang pisngi ko. Agad ko namang tinampal iyon. Nilakihan ko siya ng mata.

"Duh? Sa parte ko tumama 'yung bala. What do you expect? Matuwa ako? Magparty?"

Ethan chuckled. "Chill, Margaux!" sabay hinawakan niya 'yung kamay ko. Bumaba ang tingin ko doon. What is he doing again?

Inirapan ko na lamang siya at hindi  na sumagot pa.

Nang marating na namin ang mismong lugar ay nakita ko ang mga nagtatakbuhang sundalo. Everyone's carrying the same gun Captain Sungit has. My mouth parted nang makita ang duguan at wala ng buhay na mga tao.

Gusto kong humingi ng tawad, dahil hindi agad sila nabigyan ng atensyon na kailangan nila. Binaling ko nalang ang tingin sa ibang bagay. Nang huminto naman ang sasakyan ay bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ngunit agad ring may pumigil sa akin. Si Captain Sungit.

"Wait." His cold baritone voice stopped me from doing anything. 

Inalis ko ang pagkakahawak ko sa lock ng pinto at hinarap siya. Inabot niya sa amin ang isang bulletproof vest pati na rin ang isang hard hat.

"This is to keep you both safe." Sinulyapan niya ako ng saglit at tsaka naman tumango

Agad ko rin namang sinuot 'yung binigay niya sa akin. I'm seeing a lot of wounded people already kahit hindi pa ako nakakababa.

Lumingon naman si Captain Sungit sa nagdadrive ng sinasakyan namin. Tsaka naman siya nagbilang ng hanggang tatlo. Nagulat ako at napahawak sa aking dibdib nang sabay-sabay nilang binuksan ang kani-kanilang pinto. Pati na rin yung mga sundalo na nasa likod namin ganoon rin ang ginawa. I wasn't expecting that!

I panicked when I can't see them anywhere. What? They are just going to leave us here? Ano pa 'yung mga tutulungan namin?

Bahagya akong nagulat nang may biglang bumukas ang aking pinto. Bumungad doon si Captain Sungit. Tumango lang siya pero hindi ko nakuha ang nais niyang iparating. Kaya nilakihan ko lang siya ng mata at tinanong kung bakit.

"You should get down now." Aniya. Saglit na hindi nagproseso sa akin ang sinabi niya. Right! Bababa pa nga pala kami. Akala ko kasi tuluyan na nila kaming iniwan, e.

Until the End of Time (Donovan Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant