Chapter Twenty-Eight

40K 958 140
                                    

Song: Smoke & Mirrors- Demi Lovato

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Smoke & Mirrors- Demi Lovato

Words

Today is the worst day of my life.

"Time of death..."

"Time of death..."

"Time of death..."

I had three consecutive operations today. And all of them were a failure. I wasn't able to save my patient's life just because I couldn't concentrate.

I know it's fucked up. Pati ang trabaho ko naaapektuhan na. And for months, laging ganito nalang. Everyone here in the hospital is starting to doubt my ability. Lahat sila nagtataka kung bakit wala pa akong naging successful na operation simula nang magbalik kami dito.

I lazily removed my surgical mask and threw it away in the trash bin. Inalis ko rin ang pagkakapusod ng aking buhok at dumiretso nalang sa aking opisina.

Lahat ng nandidito ay sinusundan ako ng tingin at minsan magbubulungan pa.

"She's one of the best doctors pero wala pa siyang successful operation simula last month pa." narinig kong bulong ng isang nurse.

I stopped at nilingon sila. Napatigil sila sa pagbubulungan nang mapagtantong narinig ko ang sinasabi nila. I opened my mouth to say something.

They have no idea what I've been going through. And their comments about me are totally non-sense!

Tinaasan ko sila ng kilay. Nagpalinga-linga naman sila at sa huli ay umalis rin sa harap ko. I sighed heavily. Tinuloy ko ang naudlot kong paglalakad patungo sa aking opisina. Pagkapasok ko ay kinuha ko agad ang bottled water na nakapatong sa lamesa ko.

I slumped down my chair at tsaka uminom na ng tubig. I heard my pager beeped. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag sa akin. Nagbuga nalang ako ng malalim na hininga nang malaman ko na ang Chief of Surgery ang tumatawag sa akin.

Hinilot ko ang aking sentido at isinandal ang sarili sa aking upuan.

He's been paging me a lot of times already and I choose to ignore it. Alam ko namang tatanungin niya lang ako kung kaya ko pa ba ang trabaho ko, e. Of course, I can!

I just couldn't find my focus. It is always diverted to something else. Gusto ko nang kalimutan iyon! It's been months damn it!

It's been months since I gave up on him. Wala, e, lumalaban ako sa wala. Nakakapagod nang lumaban sa bagay na alam mong matatalo ka lang rin naman sa huli.

Well, at least tinotoo ko ang sinabi ko sa sarili ko na ipaglalaban ko siya. Kahit na siya na mismo ang nagsabi na sumuko na ako.

"Stop coming here." Aniya nang makita niya akong naghihintay sakanya. Nilagpasan niya ako para makapagtungo ma siya sa kanyang opisina.

I ran after him. Hinawakan ko ang kanyang kamay para matigil siya sa paglalakad. Tiningnan niya muna ito bago ibinaling ang tingin sa akin.

"When will you stop ignoring me?" I asked.

Until the End of Time (Donovan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon