Chapter Six

42.2K 1.2K 228
                                    

Song: Distraction- Kehlani

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Song: Distraction- Kehlani

Age

Wala akong mukhang nailabas kinabukasan. Akala ko ba pag lasing, makakalimutan mo lahat ng pinaggagawa mo?

Bakit ako? Hindi ko makalimutan! Sariwa parin sa utak ko 'yung sinabi ko!

Sobrang sakit ng ulo ko nang magising ako. I rolled out of bed to check the time at nakita kong seven o'clock palang ng umaga! I know six hours of sleep isn't enough. I have to blame my hangover for this.

Sinigurado ko ring maayos ang itsura ko paglabas. Sobrang hiyang-hiya talaga ako sa mga pinagsasabi ko kay Captain Sungit kagabi! Minsan talaga di na nakocontrol 'tong bibig ko, e. Kung ano ano nalang lumabas!

Just so you know, hindi ako ganong klaseng babae. Marangal akong babae at never akong mag-aaya makipagtalik sa hindi ko naman karelasyon. Sadyang lasing lang talaga ako ng oras na iyon at ang gwapo lang talaga tingnan ni Captain Sungit non.

Kaya ngayon sisiguraduhin kong magiging panget na siya sa paningin ko. Kahit na mahirap na pilitin 'yon, gagawin ko.

Tsaka, I can act like nothing happened naman. Sasabihin ko wala akong maalala. Na lasing ako nun at kung ano ano talaga sinasabi mo pag lasing.

Nagstretch muna ako bago ko nagtungo sa mga kasamahan ko na nasa dining area na. Hindi pa ako lubusang nakakalapit ay naririnig ko na agad ang mga bungang nila.

"Akin na 'tong part na 'to!" sigaw ng isa kong kasamahan.

"This one's mine." Pagsali naman ni Rico.

"Alam niyo... Umupo nalang kayo at baka maabutan pa tayo ni Doctora dito na nagkakagulo. Magalit pa 'yun sa atin, sige kayo!" Ngumisi ako sa sinabi ni Erin.

"Tama ka dyan, Erin! Magagalit talaga ako kasi walang table manners 'yang mga kasamahan mo."

Lahat naman sila ay napabaling sa akin at nagulat sa biglaan kong pag-sulpot.

"Good morning, doc." Bati ng iba.

I turned my gaze on Ethan. He's just simply standing there on the side and he did not even bother to greet me like he usually does.

Grabe naman 'to! Parang 'yun lang! Napakamatampuhin!

"Ano ba 'yang pinagkakagulohan ninyo dyan?" tanong ko nang makalapit ako sa pwesto nila. Tumabi naman sila para ipakita nila sa akin ang isang bucket ng manok.

Jusko! Manok lang pala pinagtatalunan pa!

Pumwesto na kami sa kani-kaniyang upuan para makakain na. Nagdasal muna kami bago kami nagsalu-salo.

Nasa kalagitnaan kami ng magandang usapan nang biglang tumayo si Rico para batiin ang mga grupo ng tao na kakapasok lang.

"Ay! Good morning po, Captain. Kain po."

Until the End of Time (Donovan Series #2)Where stories live. Discover now