Chapter Thirty-Seven

50.1K 1.3K 399
                                    

Song: From The Ground Up- Dan + Shay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: From The Ground Up- Dan + Shay

Fiancée

Ganoon ang naging sitwasyon namin ng ilang buwan hanggang sa nasanay na ang lahat na nakikita kaming magkasama lagi.

Natutulog parin naman ako sa kwarto ko ngunit mas madalas na nga lang sa kwarto ni Jaxon. It's because the paperworks are non-stop! Wala na nga atang katapusan 'tong pinapagawa sa akin, e.

I also check on Tyler regularly. He told me he already found Sasha. Si Andrew nalang talaga ang kulang. Kasakasama niya naman ngayon ang mag-asawang nawalan ng anak kaya etong si Tyler ang tinuturing nilang anak ngayon.

Nung isang araw ay nakita ko na rin si Sasha. She was asking me about Andrew and I couldn't tell her. Hindi ko pa rin nasasabi kay Tyler ang tungkol doon. Hindi ako makahanap ng tamang oras. Bukod sa maraming trabaho ay hindi ko alam kung paano sisimulan.

I heard that Andrew's father is found dead, too. That freaking sucks. Wala na talagang itinira man lang sakanila.

We also do regular check ups on the civilians now. Utos sa amin ito ng head ng military doctors. Maganda rin naman ito para mas natututukan ang mga sibilyan. Marami na rin kasi sakanila ang nagkakasakit, e. Buti naman at wala nang masamang nangyari pagkatapos ng pagsakop sa lugar namin noon. Mas tago kasi itong tinutuluyan namin ngayon. At mas maraming sundalo ang nandidito.

"Have you told him?" tanong sa akin ni Jaxon. He was referring about Andrew's death.

Kasalukuyan kaming nasa kwarto niya ulit. Nakahiga kami sa kama habang ang ulo ko ay nasa kanyang dibdib. I can hear his heartbeat properly in this position.

"No," sagot ko.

"When do you plan to tell him? Our departure is in three weeks. You can't leave Afghanistan without telling him about it."

He's right. Malapit na nga kaming umalis muli dito sa Afghanistan. And it's been months since Andrew's death. Apat na buwan ko rin pinalampas bago ko ipaalam sakanya.

That's the worst decision ever! Pero naghanap lang naman ako ng tyempo at masyado pa silang bata para biglain sa ganoong sitwasyon.

"I don't know where to start." I sighed. "Natatakot akong maging malungkot siya ulit. He seems happy now. And I don't want to ruin everything for him."

"Why didn't you tell him right away?" tanong niya.

"He lost both of his parents on the same day. I think it will be too much for him to handle if I will tell him about his friend's death. He's still so young."

"He's young and he can take situations lightly." Napaangat ako ng tingin sakanya. "I'll come with you when you're going to tell him about it."

Tipid akong ngumiti at tumango nalang.

Until the End of Time (Donovan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon