Chapter Twenty

40.5K 1.1K 137
                                    

Song: Set In Stone- Guy Sebastian 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Song: Set In Stone- Guy Sebastian 

Instinct

The next months were composed of us going to the critical area, risking our lives, attending some patients, operating on someone and cleaning up wounds.

Basically, just what most medical doctors are supposed to do.

Sa ilang buwan rin na iyon ay tsaka ko nalang ulit nakausap ng maayos si Kiel tungkol sa nangyari noon. He told me he's okay with it. That he's doing fine. Hindi ko man maintindihan hanggang ngayon, feeling ko naman wala nang namamagitan na away sakanila ni Jaxon.

He also told me about Jessica kahit hindi naman kailangan. He told me that Jessica was the girl they fought over.

So, tama nga ako.

He ended up with Kiel because it's him that she likes. She never liked Jaxon. But according to Kiel, Jaxon really did fight for her. Pero sa huli, siya rin ang unang sumuko. Dahil para saan pa nga ba?

'Yung inaasahan mong kakapitan at sasaluhin ka, nakakapit na pala sa iba. Tama lang rin ang naging desisyon niya. Hindi bagay sakanya ang mag-habol.

Hanggang doon nalang ang kinuwento niya. At hindi na nadugtungan pa iyon.

Madalas rin akong nagpupunta sa lagoon. Minsan kasama ko si Jaxon, pero ngayon madalas ay mag-isa. Hindi niya alam ang tungkol doon.

The lagoon's safe. Ilang beses na akong nag-punta doon ng mag-isa pero wala namang nangyari sa akin. Sometimes, I'll go and take a dip at the lagoon. Which makes everything very relaxing. It helps me calm my intricate mind.

Sa ilang buwan rin na iyon, I'm relieved that nothing bad happened to Jaxon again. Everytime he goes to war, he comes back wound free. I'm glad. Hindi ko ata kakayanin na makita na naman siyang duguan.

At sa loob rin ng ilang buwan, kahit na pilit kong kinakalaban ang sarili ko dahil sa nadarama... Kahit ilang beses kong itanggi sa sarili ko ang totoo... Kahit ilang beses kong sabihin na hindi...

Puso ko parin ang kalaban ko dito. Siya na ang nagdikta. Siya na ang nag-sabi. Na ang nadarama ko para kay Jaxon ay hindi na lamang basta paghanga. Kung hindi isang pagmamahal na.

This isn't just an adoration anymore. This is something more. I kept it to myself dahil ayokong malaman nila. Ayokong may makaalam. Kahit siya, ayokong ipaalam sakanya. Hindi ko rin alam kung bakit.

Siguro dahil mali? Hindi dapat ako mahulog sakanya. He's always there to protect me because my Dad asked him to.

Siguro kung hindi ako anak ng isang general. Siguro kung isa lamang akong normal na doctor. Siguro ay normal lang rin ang pakikitungo niya sa akin.

Hindi ganito. He's treating me like this because he knows that I'm the daughter of General Ferdinand Donovan. He's treating me like this because he's just following what my Dad asked him to do.

Until the End of Time (Donovan Series #2)Where stories live. Discover now