Chapter Thirty-Five

47.8K 1.2K 249
                                    

Song: Moon and Back- Alice Kristiansen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Moon and Back- Alice Kristiansen

Truth

I didn't know how I managed to sleep that night. Nagising nalang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. We are still inside the tunnel we are hiding in.

Siguro, dahil nalang rin sa sobrang hina ko kahapon kaya ako nakatulog. I don't know. I don't want to reminisce whatever happened last night.

It was tragic.

Andrew did not deserve to die. He did not deserve everything he experienced last night.

I think the war continued for days. Mas lumala pa noong pangalawang araw. Muntikan na kaming lusubin ng mga terorista. Apparently, they found where we're hiding.

The other terrorist was about to shoot someone in my group nang biglang dumating sila Jaxon. Pinaputukan niya ang terorista ng dalawang beses at agad rin naman itong humandusay sa harap namin.

Lalapit na sana sila sa amin nang maaninag ko ang paparating na mga terorista.

"Look out!" I shouted and pointed outside.

Agad na napalingon doon sila Jaxon. Tumabi kami sa gilid para hindi na kami madamay pa sa barilan na nagaganap. Pinapanood ko lamang sila habang nangyayari iyon. I was so scared the whole time.

What if... this would be the end of me?
No... I wouldn't let that happen. I still have a mission to complete. Pakiramdam ko hindi ko pa oras ngayon.

Ilang araw rin kaming hindi nakakain noon. I haven't been sleeping properly for days. Andrew's death keeps on flashing inside my mind.

"We have to evacuate here. This place is no longer safe. Alam na ng mga terorista kung saan kayo nagtatago," ani Jaxon. Hindi na ako nagulat pa. Madalas na kasi ang pagpapaputok malapit sa lugar namin.

"Wag kayong mag-alala. Nakahanap na kami ng lugar kung saan kayo pwedeng manatili." Dagdag ni Kiel.

Tumango naman ang iba at agad kaming kumilos pagkatapos nilang sabihin iyon. Maingat kaming naglalakad patungo sa lugar na tinutukoy nila. Axel, Jaxon and Kiel are the ones who's making sure of our safety right now. Hindi rin umaalis si Jaxon sa tabi ko. He's been on my side the whole time.

Nilingon ko naman siya habang inililibot niya ang tingin sa buong paligid. He's very alerted kaya pati pagtitig ko sakanya napansin niya pa. Agad naman ako nag-iwas ng tingin nang mapansin niya ang ginagawa ko. He chuckled.

Mamaya-maya pa ay nagulat nalang kami nang may biglang sumigaw mula sa aming likuran. Nang lumingon kami ay nakita namin si Tracy na hawak hawak ng isang terorista. He held Tracy as hostage. Ang kanyang braso ay nasa leeg ni Tracy habang nakatututok naman sa amin ang kanyang kutsilyo.

Napansin kong wala rin siyang dalang armas. I wonder why. Ang natatangi niyang dala ay ang kutsilyong ginagamit niyang panutok sa amin.

Umalis si Jaxon sa tabi ko at nagtungo naman sa harap. Agad namang pumalit si Kiel sa dati niyang pwesto. I look at him. He looks very serious. May mga dungis sa kanyang mukha at may mga sugat rin. Hindi ako sanay na nakikita siyang ganito.

Until the End of Time (Donovan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon