Chapter Eight

39.7K 1.1K 152
                                    

Song: Thoughts- Michael Schulte

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Song: Thoughts- Michael Schulte

Weak

Pumasok ako sa kwarto ng mga pasyente na naoperahan. Unang umagaw ng pansin ko ay ang kapatid ni Captain Sungit.

He's already awake. And he's looking at me.

Lumapit ako to give him a smile and to ask him if he's okay.

"I'm feeling better now. Thank you." Sagot niya. Tumango naman ako.

"I didn't know you were Jaxon's brother." Sabi ko. Tumango siya at sabay tumawa.

"I know... hindi nga raw kami magkamukha, e." 

Agad rin naman akong sumangayon doon. Kiel's face is more innocent than Jaxon's. Mala anghel kasi ang mukha nitong si Kiel habang si Captain Sungit naman ay sumisigaw ng awtoridad. Lagi kasing seryoso, e.

Pero kahit ganon, may pagkakapareho naman sila. Parehong maganda ang kanilang mga mata.

"I'm so glad to finally meet you." Aniya na naging rason kung bakit ako napaangat ng tingin sakanya. Bahagya namang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. 

"I always see your pictures in General Donovan's office. I even saw your oath taking picture inside his office. He must've been so proud of you." He continued. 

Kinagat ko naman ang labi ko. I wonder if he's going to be this proud kung tinuloy ko ang pagkuha ng tourism. I think not. Baka nga ipagtabuyan niya pa ako bilang anak, e.

Tumango na lamang ako at ngumiti. Aalis na sana ako ngunit nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa palapulsuan upang pigilan umalis.

"Thank you for saving my life." 

"It is my job anyway." Sabi ko. Tipid akong ngumiti sakanya. Pagkaharap ko ay bumungad naman sa akin si Captain Sungit.

"Your brother's okay." Tinuro ko ang kanyang katapid. "Pwede na siyang lumabas pero... huwag muna siyang sumama sa critical area." 

Hindi siya sumagot at tumango na lamang. Lalagpasan ko na rin sana siya ng biglang niya ring hinawakan ang palapulsuan ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"What?" I asked.

Matagal bago siya sumagot, tila nag-iisip ng sasabihin. At nang makaisip na ng sasabihin ay hinarap niya ako. Nagulat ako sa tingin na binibigay niya sa akin. 

Bakit parang galit siya sa akin? Ano bang ginagawa ko?

"Did you tell your dad?" I raised an eyebrow.

"About?"

"You. Drinking."

"It's not really a big deal."

He chuckled. Pero plastic lang. Akala niya ay hindi ako nag-sasabi ng totoo. But it's true!

Di naman kasi talaga big deal sakanila ang pag-inom ko. Tsaka, I'm twenty-three years old. I can do whatever I want. At isa pa... kumikita na rin naman ako ng malaking halaga.

Until the End of Time (Donovan Series #2)Where stories live. Discover now