author's note

4.9K 192 94
                                    

Ang haba ng librong 'to. Putangina.

Kung nakarating kayo rito, maraming, maraming salamat.

Ito ang unang Filipino-English na nobelang isinulat ko. Risky at challenging siya, but I'm glad I did it. It was worth it.

Nahirapan ako. Maraming beses akong tumigil at napanghinaan ng loob, pero sinigawan ako ni Migo at Jiya na kailangan ko raw ituloy at tapusin ang kwento nila kahit umiiyak na 'ko. Wala silang pake sa akin.

Natawa rin ako sa kanila at nasaktan. Nainis at kinilig. Natuto sa kanilang puso at isip at nakibahagi sa kanilang emosyon at damdamin. Nadala sa kwento at sa pagmamahal nila. Sana kayo rin.

Sa aking nakatatandang kapatid, si Jill, na siyang kauna-unahang nagmahal at patuloy na nagmamahal kay Migo at Jiya at sa kwento nila, ang kumulit sa 'kin na dapat happy ending lang ang pwede kong ibigay sa dulo ng libro at wala nang iba, ang umiyak nang ilang beses na para bang siya ang dumaan sa breakup at three years of separation, ang nag-reenact pa ng mga lines nina Migo at Jiya sa kwarto ko with feelings, ang nagka-hangover pagkatapos basahin ang libro at binalikan pa ang mga chapters, ang nasaktan nang paulit-ulit kapag pinapakinggan ang Binibini ni Zack Tabudlo, ang kumakausap sa 'kin na para bang totoo sina Migo, Jiya, Inggo, Maureen, at lahat ng characters...maraming salamat, Ate.

Salamat sa mga kaibigan ko sa Ateneo, my very own Casaddie Cake group: Andrea, Pat, Kaelen, at Frances—hindi ko alam kung paano ako mabubuhay sa college nang wala kayo. Buti na lang at 'di natin alam ang sagot.

Panghuli, salamat sa mga mambabasa sa Wattpad na nagmahal at patuloy na nagmamahal kay Migo at Jiya at sa kwento nila. Salamat sa pagpapadala ng mga mensaheng nakakataba ng puso at sa pagiging mabuti sa akin habang sinusulat at pagkatapos kong isulat ito.

Kahit kaunti lang ang readers nito, maraming, maraming salamat sa inyo, sa mga votes and comments and tweets sa akin. I always appreciate it when you tell me your thoughts about Migo and Jiya and the story, and I'm so happy whenever I get messages and mentions sa Twitter. Please don't be afraid to talk to me and to let me know what you think, kasi super nakakataba ng puso na kahit na kaunti lang ang readers, may mga nagbabasa pa rin.

maraming salamat, mga mahal.

Sana makahanap rin kayo ng gagawa ng champorado para sa inyo, at sana tama ang lasa nito.

Nagmamahal nang walang hanggan,

Gi

twitter: arrowheadswp

beacons.ai/arrowheads

ChamporadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon