PROLOGO - H.E.T Season 1

142 25 3
                                    


PROLOGO:

"Queen, miss na kita." Mahinang sambit ko habang nakatayo sa harap ng Del Luna International School.

Makalipas ang maraming taon nakabalik din ako sa lugar kung saan nangyari ang trahedyang hindi namin inaasahan at nagpabago sa mundo ko nine years ago. Hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap na wala na ang kababata ko.

Hindi na ako makakain ng maayos at nakakausap ng mga magulang at mga kaibigan ko simula noon. So, my mother decided to take me to states for me to forget.

And after that, sinubukan kong lumaban, sinubukan kong burahin siya sa isip ko. But i failed. Kasi lagi ko siyang napapanaginipan tuwing natutulog ako. Lagi ko siyang nakikita tuwing pumipikit ako. Lagi ko siyang naiisip tuwing umuulan. Lagi ko siyang naalala tuwing nakikita ko ang buwan.

Pero kailangan kong ipakita sa kanila na matapang ako, na kaya ko. So, after nine years of suffering. I decided to go back to the Philippines para mag aral. At heto na nga ako.... nakatayo sa harap mismo ng Del Luna International School, ang pinakamalaki at pinakamahal na eskwelahan sa Cebu at isa din kami sa mga nag mamay ari nitong eskwelahang pinapasukan ko.

Pero syempre hindi lang ako ang bumalik, pati narin ang mga kaibigan kong walang ginawa kundi ang damayan ako sa lahat ng pagkakataon.

"Are you ready, Zeus?" Lexzues suddenly asked me. A little smirk drawn on his lips.

"Of course, how about you?" Balik kong tanong sa kaniya.

"I'm always ready, dude," May halong pait sa boses niya. "But this place reminds me of someone." Kumislap ang mga mata niya. The moment he said that, i immediately understand what is he talking about.

Umiling ako at bumuntong hininga. "You need to be strong. Remember that we came here to study, not for the memories."

"We... we need to be strong." He corrected me. Tumango nalang ako at bahagyang ngumiti.

"Shall we go?" Agad kaming napalingon sa likuran at napangiti nang makitang si Clouden at Yohan 'yon.

"Long time no see fuckers." Nakangising bati ni Lexzues at nakiakbay sa kanila.

"Yeah, long time no see." Nakangiting sabi ko at nakiakbay narin sa kanila.

Sabay sabay kaming pumasok sa bago naming school na may ngiti sa labi. Pero hindi pa kami nakakalayo sa gate ay narinig na kaagad namin ang bulong bulongan ng mga estudyante.

"Shit!" Rinig kong mura ni Yohan at nagtago sa likod ko.

"Are you okay?" Natatawang tanong ko.

"Diba sila yung mga bagong transferee?"

"Oo, shits ang ga-gwapo!"

"Balita ko sila daw ang may ari nitong school!"

"Kyaaaaaa ang swerte ko pag yung isa sa kanila nasungkit ko!"

"Asa ka!"

"HAHAHAAHAHAHA."

Rinig kong bulong ng mga babaeng estudyanteng nadadaan namin.

"Damn! Ang hirap talaga maging gwapo, habulin lagi ng mga babae." Mayabang na sabi ni Clouden na umuna pa sa paglalakad.

"Ang hangin." Sabat ni Yohan na pinaikot pa ang singkit niyang mga mata.

"Pwedeng pa picture?"

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now