KABANATA 20

32 15 1
                                    

ZEEL LUNARLIA MONTERVERDE

"Huwag kang magtatagal, ah?"

Tumango ako kay Sierra saka tumalikod na sa kaniya. Matagal na akong hindi nakakapunta sa tinatambayan ko. Gusto ko sanang magpahinga muna hangga't hindi pa nag be-bell.

Nang makarating ay saka ako umupo sa damuhan. Nagpapasalamat ako dahil hindi mainit sa pwesto ko. Hindi masyadong kalakihan ang puno pero sapat naman para maharangan nito ang araw. Gusto ko ang tanawin dito, bukod sa tahimik at mahangin ay malaya akong makapagpapahinga. Ayaw ko ng isturbo.

Naka earphone ako at nakikinig sa kanta habang nililibot ang paningin sa paligid ko. Hindi nagtagal ay bumigat na ang talukap ng mga mata ko at tuluyan ng nakatulog.

Nagising ako dahil sa ingay ng mga puno dulot ng malakas na hangin. Kinusot ko ang dalawang mata ko at tiningnan ang relo. Nang makitang matagal pa bago mag simula ang klase ay nakahinga ako ng maluwag. Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Agad naman akong naglakad pabalik sa classroom dahil baka pagalitan na naman ako ni Sierra. Kung umasta pa naman 'yun ay parang mas nakakatanda pa sa akin.

"Mabuti't maaga kang bumalik ngayon." Bungad kaagad niya sa akin nang maupo ako sa upuan.

"Maaga akong nagising, e." Sagot ko at kinuha ang notebook sa loob ng bag ko.

"So, eto nga! Kinikilig pa rin ako! He kissed me!" Naagaw ang atensyon ko sa boses ni Ael na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.

Napatingin ako sa babaeng tumili. Si Ael lang pala at ang mga kaibigan niya. Sandali siyang sumulyap sa akin at nang magkasalubong ang paningin namin ay ngumisi siya ng nakakaasar.

"Masarap ba? Malambot ba 'yung labi niya?" Sunod-sunod na tanong ng isa sa mga kaibigan niya.

"Yes of course! His lips was so good." Nakatingin siya sa akin nang sabihin niya iyon.

Lumipat ang paningin ko kay Sierra nang maramdaman ko ang pagkalabit niya sa balikat ko. Kumunot ang noo ko nang maramdaman ko ang pagkabalisa niya habang ngumingiti ng pilit sa akin.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

Humugot siya nang hininga at inginuso si Zeus na kakapasok lang. Nakasunod sa kaniya ang mga kaibigan na halatang iritado.

"Ano'ng meron?" Ibinalik ko ang paningin kay Sierra.

"Hinalikan siya ni Ael kanina sa locker room." Sumbong niya sa akin.

Mahina akong tumango at tiningnan ulit si Zeus. Kung ganoon ay makikita ko sana ang halikan nila kung sumama ako sa locker room, sayang naman. Nagulat si Zeus nang magtagpo ang mga mata namin.

"Ang gaga! Pinagkalat ang pagiging malandi sa Del Luna!" Narinig kong sabi ni Lili.

Hindi makatingin ng maayos si Zeus sa akin. Halatang iniisip niya ang nangyari raw sa kanila ni Ael kanina. Maganda naman si Ael, halatang magaling din makipaghalikan. Ibinaba ko na lang ang paningin sa daliri ko. Bumuntong-hininga ako at taimtim na nakikinig sa mga pinag-uusapan nina Lili.

"Grabe ba." Biglang sumingit si Sierra sa usapan.

"Kahit sino pinapatulan." Halata sa boses ni Lili ang pagkakairita.

Sa kanilang magkakaibigan ay si Lili ang madaming binubuga laban kay Ael. Inangat ko ang paningin ko at nakita ko ang labanan ng tingin nina Lili at Ael. Hinawakan ni Aishel si Lili kaya naputol ang titigan ng dalawa.

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now