KABANATA 41

39 11 0
                                    

*SIERRA SELESTINE SANDEJAS*

"Sige na kasi, Sierra. Dili gyud ka malouy sa ako?" (Hindi ka talaga maaawa sa akin?) Parang tutang sunod ng sunod sa akin si Lili kanina pa.

Hindi niya talaga ako tinigilan hanggang makarating kami ng classroom. Kahit noong sa Bright pa kami ay hindi na ako sumasali sa mga ganiyan hindi dahil sa nahihiya ako. Ewan ko ba, nanginginig ako pag napapaligiran ako ng maraming tao. Hindi ako komportable at nag pa-panick ako pero hindi ko sinabi kay Lili ang totoong rason kung bakit ayaw ko. Ang totoo, hindi naman talaga ako nahihiya, bakit naman ako mahihiya kung may maibubuga naman akong galing? Sadyang hindi ko lang talaga ma control ang sarili ko sa panginginig.

"Sige na nga! Basta huwang niyo'kong ilagay sa gitna, ah?" Hindi nagtagal ay bumigay na talaga ako. Alam ko namang hindi niya ako titigilan, e.

"Yehey! Salamat naman!" Parang batang hiyaw niya at niyakap ako ng mahigpit.

Ngayon pa lang ay napangiti nalang ako nang mapait at iniisip na kung paano ko mapipigilan ang sariling manginig pag nasa harap na ako ng maraming tao.

"For sure, magiging maganda ang performance natin." Nakangiting sabi ni Aishel.

"Parang temang naman 'tong si Sierra, bakit ka ba kasi nahihiya, huh?" Humarap sa akin si Xhristian.

Nakaupo sa sahig sina Yohan at Clouden habang naglalaro ng online games sa cellphone at nag uusap naman ng masinsinan sina Zeus at Lexzues. Si Lunar ay nakayuko sa armchair ng upuan niya at natutulog habang may nakakabit na earphone sa tenga. Nakaupo ako sa armchair ko habang kaharap sina Lili, Aishel, at Xhristian.

"Marami kayang tao sa Anniversary." Sabi ko. Ang akala ko'y sa Bright lang may magaganap na event sa tuwing sasapit ang Anniversary, dito rin pala.

"Okay lang 'yan, Sierra. Kahit noong una ay nahiya rin kami pero pagkalaunan nawawala naman, kaya go lang." Ani Lili.

"Yeah, that's true." Tumango si Aishel habang sinusuklay ng daliri ang buhok niya.

"Diba sabi niyo, isa kayo sa mga shareholders? Kung ganoon, pupunta rin ang mga magulang ninyo?" Tanong ko. Gusto ko lang siguraduhin dahil gusto kong makilala lahat ng mga shareholders ng Del Luna.

"Oo," Sagot ni Lili. "Naghahanda na nga ng susuotin si Mommy, e." Dagdag niya.

"Ano nga palang susuotin ng mga estudyante?" Tanong ko. Paano nalang kung mag go-gown pala lahat? Napatingin ako kay Lunar. Pa'no na si Lunar? Ayaw niya ng gown! Hindi naman siya pwedeng pilitin dahil mas lalo lang siyang aayaw! Paniguradong hindi a-attend si Lunar pag nagkataon-

"It depends on you naman, e." Nakahinga ako ng maluwag sa isinagot ni Aishel. Napatingin ulit ako kay Lunar. Makaka attend ka, insan.

"Pero huwag kang mag alala bebz, may uniform tayong mga Music Cub members." Umangat ang dalawang kilay ni Lili.

"Talaga?" Bigla akong nakaramdam ng excitement. "Teka nga, kailan ba ang exact date ng Anniversary?" Tanong ko at tiningnan silang tatlo.

Pinag uusapan na namin ang mga mga mangyayari pero hindi ko man lang alam kung kelan ang anniversary.

"Sa August 6, Sierra." Sagot ni Xhristian na nagpalaki ng mga mata ko.

"Ano?!" Hindi makapaniwalang bigkas ko.

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now