KABANATA 51

20 9 0
                                    

ZEEL LUNARLIA MONTERVERDE›

"Why are you not visiting your brother?" Ngumuso siya at lumingon sa akin.

Bumuntong hininga ako. Sa harap ng palubog na araw ay nakaupo kaming dalawa ni Zeus at nakatanaw roon. Basa parin ang mga damit namin pero hindi man lang kami nakaramdam ng ginaw. Ginawa niya ang makakaya niya para ikalma ako. Sa loob ng maraming taon ay nabasa ulit ako ng dagat, at dahil iyon kay Zeus.

Hindi ko inaakalang mapapawi niya ang mga bigat sa dibdib ko. Siguro nga'y kailangan ko talaga ng oras para sa sarili ko. Kailangan ko rin ng taong makakausap. Nasanay kasi akong isarili ang mga problema ko dahil naniniwala akong ako lang ang meron ako. Na hindi ko kailangan ang ibang tao para makatulong sa akin. Pero si Zeus... nagawa niyang pabukahin ang bibig ko kahit ano'ng pigil kong tumahimik.

"Do you want me to come with you to the hospital? Don't take it bad. I'm just suggesting because it seems like it's so hard for you to see your brother."

Kumunot ang noo ko at napasulyap sa kaniya. Kung isasama ko siya, alam kong hindi iyon magugustuhan ni Levi at ayaw kong madagdagan pa ang away namin. Simula noong nagsuntukan sila ay umiwas na akong pagtagpuin ang landas nilang dalawa.

"Huwag na. Bukas na bukas ay pupunta rin ako ng ospital." Malamig na tugon ko.

"Are you sure with that?"

"Kailan ba ako naging malabo?" Patunog ang halakhak ko at umiling iling.

"I don't think so, but you looked so serious to your words."

"I'm not just looked serious because I'm really serious." Kagat labing pagtatama ko.

Hindi ko narinig ang tugon niya pero nakita ng gilid ng mata ko ang pagtango niya at ang pagtitig niya ng matagal sa akin. Kunot noong sinalubong ko ang titig niya kaya nagulat siya at agad nag iwas. Hindi na rin ako nagsalita at tumanaw nalang sa dahan dahang paglubog ng araw. Nang tuluyan ng pinamunuan ng buwan ang langit ay awtimatikong sumilay ang ngiti sa labi ko dahil unti unti ko ng nasilayan ang hinihintay ko.

"You like watching sunset?"

"I'm waiting for my sovereign to reign." Sagot ko sa kaniya habang nakakabit parin ang ngiti sa mga labi ko.

Mahabang katahimikan ang pumagitna sa amin hanggang sa narinig ko ang linya niyang nagpatigil sa akin.

"Your smile shine like stars and bright like a Moon. So, why hiding it?"

Naglahong bigla ang ngiti ko.

"Smiling is not a must for me. I can remain my emotionless face all day."

"You know, it's not bad to smile. I noticed that you only smile once in a blue moon. You only smile when things could melt your heart. Well, I wonder... Does your heart melt?" Mahina siyang humalakhak. "Let your smile make the world change but don't let the world make your smile change."

Natahimik ako sa sinabi niya.

"Kailangan bang ngumiti ako sa lahat ng pagkakataon?" Tanong ko matapos ang ilang segundo.

"You don't need to smile often but if you smile make sure that it's sincere. I asked you to make the world change using your smile because when you smile all people will smile with you. It's miracle when a cold person smile. Like you."

"Talaga?" Nangapa ako ng munting bato at ibinato iyon sa dagat.

May mga tao palang nangangailangan ng ngiti? Hindi ko naisip 'yon. Bakit pakiramdam ko ibang iba ako sa mga taong nakapaligid sa akin? Dahil ba ay ngumingiti sila samantalang ako, hindi? Yung ngiti ko ay nakabase sa pakiramdam ko. Kung masaya ako, ngumingiti ako. Pero lagi akong malungkot kung kaya't hindi ako ngumingiti. Tulad ng sabi niya ay dapat taos puso ang ngiti ko. Ibig sabihin nun ay hindi ako pwedeng ngumiti kung magiging pilit o peke rin lang naman.

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now