KABANATA 39

32 12 0
                                    

ZEEL LUNARLIA MONTERVERDE

"Isumbat mo na sa akin lahat ng galit mo." Walang emosyon kong sabi sa kaharap ko.

Nakatayo kaming dalawa ngayon sa Purple Garden dahil ang sabi niya dito daw kami magkikita. Wala naman talaga akong balak na sumipot pero hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko dito. Pinag aaksayahan ko pa ang oras ko sa kaniya dahil alam kong hindi naman ako masasaktan o matatamaan sa mga binibintang niya. At tsaka, naisip ko na pag nakipag usap ako sa kaniya ngayon ay titigilan na niya ako dahil nagsasayang lang siya ng laway sa pagpapahiya sa akin.

Gulat siyang humarap sa akin, halatang nagulat sa presensya ko. Agad namang umiba ang awra niya. Halatang pinipilit niya lang ang sariling mag mukhang kontrabida sa kwento. Tinaas niya ang kilay sa akin at mukhang naghahanda na sa pagsigaw sa akin.

"Bakit kapa kasi dumating, Lunar, huh?!" Unang sumbat niya. "Simula nung dumating ka lahat na lang sila ikaw ang kinakampihan! Ikaw na lang lagi ang nakikita niya! Ikaw na lang lagi ang pinupuri nila!" Tinuro turo niya ako.

Agad na may namuong luha sa gilid ng dalawang mata niya. Sandali kong iniwas ang paningin sa kaniya.

"Nawala na nga sa buhay naming lahat ang babaeng Villa Luna, alam mo ba kung sino siya, huh? Alam mo ba kung sino siya?" Lumapit pa siya ng kaunti sa akin ngunit hindi ako umatras kahit kaunti man lang. "Siya lang naman 'yung babaeng pinagseselosan ko sa lahat!" Nabasag ang boses niya. "Alam mo ba nung namatay siya? Naisip kong sa wakas! Wala na akong kahati kay Zeus! Wala na akong kahati sa lahat!" Tumigil siya sandali para huminga ng malalim.

Namangha akong kahit halatang nasasaktan nga siya ay hindi parin tumulo ang luha sa mga mata niya. Namumuo lang ito at mukhang walang balak na tumulo. Huminga ako ng malalim at kinagat ang labi habang ang paningin ay nasa kaniya pa rin. Ang buong akala ko'y ang nangyari lang kanina ang babanggitin niya. Hindi ko inaasahang magbubukas pa siya ng nakaraan niya. Hindi ko alam kung bakit sinabi niya pa sa akin 'to.

"Pero dumating ka, Lunar! Bakit ka pa kasi dumating! But you know what's worse the most?! Magkamukha pa kayo!" Humikbi siya kasabay nun ay ang pag agos ng luha niyang akala ko'y wala nang balak na tumulo pa. Umawang ang bibig ko at agad nag iwas ulit ng tingin. "Pero alam mo 'yung pinagpapasalamat ko? Kasi hindi ka katulad niya! She's so sweet to everyone around her that's makes me jealous! She will hugged Miss Wang everytime she got a highest score and that's makes me really jealous! Why the hell she need to hug her kung pwede namang manahimik na lang siya at umupo?! Simula nun, pinalitan niya na ako kay Miss Wang! Kahit ano'ng gawin kong pag aaral ng mabuti, siya pa rin ang bida sa lahat ng mga professors!" Napakuyom ang kamao niya.

Ngayon ko lang alam na naging pabida pala ang babaeng Villa Luna sa mga professor.

Sumulyap ako sa paligid para siguraduhing walang ibang nakatingin sa amin dahil paniguradong sa gate palang ng Garden ay maririnig na ang mga sigaw ni Ael laban sa akin at sa babaeng Villa Luna.

"At ikaw... naiirita ako sa'yo kasi hindi ka man lang nasisilayan at halatang wala kang pakialam sa mga taong pumupuri sayo. I know that you deserve all of the compliment pero ako lang yung hindi makatanggap kasi I'm insecure, inaamin ko... hindi ko lang kasi alam kung bakit napakaselosa ko sa lahat." Napatigil siya dahil sa hikbing hindi niya mapigil pigil. "H-hindi  ko g-ginusto ang maging ganito, e..." Umiling iling siya na para bang gustong gusto niyang tumakas o tumakbo sa sitwasyon niya kung may tanging paraan lang para mangyari iyon. "I didn't understand why'd you need to covered me up sa nangyari kanina. You deserve to tell the truth kasi kung nagkapalit tayo ng sitwasyon. Hindi ako magdadalawang isip na sabihin kay Miss Wang ang nangyari."

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now