KABANATA 49

15 9 0
                                    

LIEZA LEIN REIDGE:

Hindi pa natatapos ang event sa Del Luna ay umuwi na kami. Tutal ay wala naman ang dalawang kaibigan namin ay hindi na kami ma e-enjoy ng todo doon. At dahil birthday ni Lexzues ngayon ay nandito kami sa bahay niya para ipagdiwang ang kaarawan niya kahit kaming magkakaibigan lang. Hindi kami sigurado kung dadating ba ang pamilya ni Lexzues pero ang sabi niya ay luluwas daw ng bansa ang Mommy at Daddy niya kasama si Scarlet. Ang Lolo naman niya ay pupunta daw sa Manila dahil doon muna mamamalagi kaya maiiwan siyang mag isa sa Cebu.

Hindi nakatira si Lexzues sa Mansion nila dahil mas gusto niya raw na mag isa kaya nagpatayo siya ng sarili niyang bahay malapit sa bahay nina Zeus. Ang weird ng kaibigan naming iyan, e. Mahirap basahin ang isipan niya. Sa murang edad ay hindi na niya nakakasama ang pamilya niya araw araw. Natuto siyang maging independent nang walang kahit ano mang tulong galing sa pamilya niya.

"Happy birthday dude, eto oh, regalo ko yan para sa'yo." May binigay na isang box si Yohan kay Lexzues.

"Sorry, dude. Eto lang nakayanan ko, napagod ako kakahanap ng pasa sa standard mo, tsk." Sabi ni Clouden at isang box na maliit ang ibinigay kay Lexzues.

"Thank you for this." Tinanggap ni Lexzues ang mga box na binigay sa kaniya at itinabi ang mga iyon sa lamesa. Kanina pa namin nabigay ang amin kaya sila naman ang nagbigay ng regalo ngayon.

"Saan ba si Zeus?" Tanong ni Xhristian habang kumakain sa table kasama si Aishel. Oo nga, saan kaya yun? Bigla nalang iyon nawawala na parang bula, ah?

"Wala paba siya dito?" Halatang nagulat si Clouden.

"Kaya nga tinatanong ko kasi wala pa siya dito."

"Eh, diba, magkasama kayo?" Tanong ko kay Cloud.

"Hindi, ah. Si Yohan kaya ang kasama niya." Sabi niya kaya napatingin kaming lahat kay Yohan.

"Kung tatanungin niyo ako. Ayun, ang gago pinuntahan si Lunar sa bahay niya." Sabay sabay kaming napatayo dahil sa gulat. Tangina?

"Your friend are being determined over the girl." Sabi ni Lexzues at umiling.

"Kaibigan mo rin siya, dude." Nakangiwi na ngayon si Yohan.

"He's probably worried and he made sure that Lunar is okay." Nalipat Ang paningin namin kay Aishel. Tama naman siya doon.

Kanina kasi ay halatang wala sa sarili so Zeus habang nakatingin sa mga nakapaligid sa kaniya. Ibang iba talaga ang epekto ni Lunar sa kaniya. Hulog na hulog.

"Hindi kaya... May relasyon na ang dalawang kaibigan natin pero hindi lang nila sinabi sa atin?" Madramang napatutop si Xhristian sa bibig habang may nanlalaking mga mata.

"Sige, overthink pa." Tumaas ang gilid ng labi ko bago hinugot ang cellphone sa bulsa para sana tawagan si Sierra pero nabigo ako nang cannot be reached ang number niya. Tangina asan na iyon?

"Call her again. We need to make sure that they're okay." Nagulat ako nang biglang nagsalita si Lexzues habang nakaharap sa bintana. Sino namang kinakausap ng lalaking yan? Napatingin ako sa kaibigan ko at sa akin na sila nakatingin.

"Ako ba?" Dahan dahan ko pang tinuro ang sarili ko upang siguraduhing ako nga ang kinakausap ni Lexzues. Tumango sila sa akin. Pa'ano naman nalaman ni Lexzues na may tinawagan ako, eh, nakatalikod siya sa akin? At tsaka pinahina ko rin ang volume ng cellphone ko. Weirdo talaga, tsk.

Tinawagan ko ulit ang number ni Sierra pero tulad ng dati ay wala paring sumasagot kaya pinili ko nalang na tawagan si Lunar. Nagbabasakaling sagutin niya ang tawag para mahimasmasan kami.

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now