KABANATA 16

21 16 2
                                    

ZEEL LUNARLIA MONTERVERDE

"Sa'n punta mo?" Tanong sa akin ni Sierra nang makita ang ayos ko. Inilibot pa niya ang paningin sa kabuuan ko. "Nice outfit." Komento niya. Unang pagkakataon na narinig ko galing sa kaniya.

"Sa tabi-tabi." Sagot ko at tinuloy ang pagsintas ng sapatos.

Nang matapos ay kinuha ko ang leather jacket na nakalapag sa sopa at sinuot ito. Tiningnan ko siya at ganoon pa rin ang paraan ng pagtingin niya sa akin.

"Aalis kang maayos tapos uuwi kang bali?" Natigilan ako saglit sa sinabi niya. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Ano?" Kumunot ang noo ko.

"Wala, sige na, umalis ka kung gusto mo dahil may pupuntahan din ako." Aniya at inirapan ako.

Naglakad siya papuntang kusina at nakita ko siyang uminom ng tubig. Siya naman ngayon ang tiningnan ko nang may pagtataka.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Sa tabi-tabi lang din." Balik niyang sagot sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Nang matapos ako sa pag-aayos sa sarili ay nagpaalam na ako sa kaniya at naglakad na palabas ng bahay. Inistart ko ang motor ko at agad itong pinatakbo. Habang nagmamaneho ako ay hindi ko maiwasang alalahanin ang pinag usapan namin ni Levi kagabi. Nag-iisip pa rin ako kung ano'ng kailangang gawin para sa ikakabuti ng lahat.

Sa gitna ng pag-iisip ay napagdesisyonan kong tumigil muna sa Heartful café na siyang lagi kong ginagawa tuwing lumalabas ako ng bahay. Ipinarada ko ang motor sa parking lot nila at bumaba na. Nakapamulsa akong naglakad papasok sa café at sinalubong kaagad ako ng ngiti ng mga waiter.

"Dumz!"

Napatingin ako sa sumigaw sa loob at café. Nakita kong ngumiti at kumaway sa akin si Rhian, ang isa sa may ari ng Café. Nagsitingan na rin tuloy sa akin ang mga tao sa loob. Lumapit kaagad ako kay Rhian na iminuwestra ang upuang nasa counter top.

Nakilala ko sila dahil sa madalas kong pagpunta rito, isa kasi itong hearful café sa mga tinatambayan ko. Masarap kasi ang timpla nila. Mabait naman sila kaya napalapit na rin sila sa akin. Paminsan-minsan pa nga ay tumutulong na lang din ako rito sa pag hatid ng mga order sa mga customers sa tuwing madami ang umo-order.

Umupo ako sa upuang iminuwestra sa akin ni Rhian. Agad namang dumalo sa akin ang ibang kasamahan nila. Malalaki ang ngiti nila sa akin. Matagal na rin kasi 'yung huling punta ko rito kaya di na ako magtataka kung tatanungin nila ako tungkol doon.

"Uy Dumz! Natugay lagi ka'g balik dire?" (Bakit natagalan ang pagbalik mo dito?) Tanong na nga sa akin ni Paul.

Bisaya ang lenggwaheng ginagamit nila rito. Pero nagtatagalog naman sila tuwing hindi nakakaintindi ng bisaya ang mga costumers nila.

"Asa man diay ka gikan, madz?" (Saan ka ba galing?) kuryosong tanong ni Rian. Magkakambal sila ni Rhian at sila ang may-ari ng Café.

"Sa eskwelahan ra." Maikling sagot ko.

Naglapag ng baso ng kape si Jin sa harap ko. Siya ang pinakabatang waiter dito. Sa pagkakaalam ko ay working student siya. Mabait at masipag na bata si Jin, tansiya ko ay nasa labing apat pa lamang siya.

"Ayaw'g kabalaka 'te, gamay ra ang gibutang nako nga asukar sa imong kape." (Huwag kang mag alala 'te, kaunting asukal lang ang nilagay ko sa kape mo). Agad na pagpapaliwanag niya nang mapansing tinitigan ko siya.

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now