KABANATA 33

26 13 0
                                    

ZEEL LUNARLIA MONTERVERDE›

Napamulat ako nang maramdaman ang pagkirot ng mga sugat sa katawan ko. Napasapo ako sa ulo ko nang bahagya itong sumakit. Magkakasakit pa ata ako. Dahan-dahan akong bumangon habang sapo-sapo pa rin ang tiyan ko. May benda na ito, nilagyan ni Sierra kagabi.

Wala pa akong balak na umamin kay Sierra tungkol sa nangyari. Ayaw ko siyang mabigla sa mga bagay na hindi niya pa napaghahandaan. Gusto ko mang sabihin kung saan kami galing ngunit ayaw ko siyang mag alala pa ng sobra. Alam kong pipigilan niya rin ako sa lahat ng balak ko.

Nalaman namin kung saan nakatira ang mga nakapanloob sa amin noong mga nakaraang araw. Gusto nila kaming makaharap. Pero naghihintay pa ako ng tamang panahon para roon.

Ilang minuto pa akong tulala habang nag iisip-isip. Inabot ko ang orasan sa lamesa at napabuntong-hininga nang makitang alas tres pa ng madaling araw. Nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas muna ako ng kuwarto. Mula rito sa labas ng kuwarto ko ay amoy na amoy ko ang nakakatakam na ulam mula sa kusina. Baka si Sierra iyon. Napakaaga niya naman masyado.

Dahan-dahan akong naglakad dahil humahapdi pa rin ang sugat sa tiyan ko sa tuwing dumadampi rito ang damit na suot ko. Kailangan ko pang hawakan ang damit ko para lang hindi ito dumampi sa sugat ko. Hindi ako pwedeng lumiban ngayon dahil may activity kami ngayon kay Sir Alvaresz. Siguradong pauulanan na naman ako nun ng sermon pag nalaman niyang hindi ako sumipot sa klase niya.

Napatingil ako sa paglalakad nang makita ang isang bulto ng lalaking nakatalikod sa gawi ko habang nagluluto sa kusina. Ang akala ko'y si Sierra ang nagluluto, si Levi pala. Naglakad ako patungo sa kaniya para tingnan ang niluluto niya.

"Ano 'yan?" Tanong ko dahilan para mapatingin siya sa akin at mapalukso sa gulat. Natawa naman ako sa reaksyon niya.

"B-bakit ka ba nanggugulat?!" Nanlalaking mata ang pinukol niya sa akin.

"Wala akong oras para manggulat." Sabi ko at lumapit sa upuang nasa gilid ng mesa. "Ano ba 'yan?"

"Sinagang na isda." Sagot niya at humalukipkip, nakaharap sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Ano'ng sinagang?" Nagtatakang tanong ko dahil sa pagkakaalala ko ay wala namang ulam na nagngangalang sinagang, at kung meron man, ano iyon?

"Sinagang, a Filipino soup or stew characterized by its sour and savoury taste–"

"Ewan ko sa'yo, Leviruos! Ano'ng sinagang? Baka sinigang ang ibig mong sabihin?" Sabi ko at lumapit sa niluluto niya.

"What?"

"Oh, kita mo na, sinigang nga." Sabi ko at napailing nang makitang sinigang nga ang niluluto niya.

"Sini– what? I thought it's sinagang." Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Si-ni-gang! Ano pa'ng silbi ng pagluluto mo kung hindi mo rin naman pala alam kung ano'ng pangalan ng niluluto mo? Tsk." Napahilot ako sa sentido dahil sa katarantaduhan niya.

Tila'y nawala na ang gutom ko. Bumalik ulit ako sa pagkakaupo nang maramdaman ang pangingirot ng tiyan ko.

"Para may ulam ka... at si Selestine." Nagngising aso siya at ibinalik ulit ang atensyon sa sinagang niya.

"Tigilan mo'ko, Leviruos! Kakagising ko lang pinapasakit mo na agad ang ulo ko!" Kahit masakit na talaga 'to kagabi pa.

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now