KABANATA 42

26 11 1
                                    

‹ZEEL LUNARLIA MONTERVERDE›

Nakahinga ako nang maluwag nang makarating kami sa bahay. Gumagabi na at hindi pa rin ako lumalabas ng kuwarto kahit ilang ulit nang kumatok si Sierra at inaaya na akong kumain. Hindi ko alam na may kapatid pala si Lexzues at aksidente pang ako ang nakaligtas sa kapatid niya sa mga kapahamakan. Kaya pala pamilyar na pamilyar sa akin ang mukha niya noong niligtas ko siya sa harap ng Cafè dahil pala ay kapatid siya ni Lexzues.

Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa batang iyon, siguro'y nasisiyahan lang ako dahil hindi niya talaga pinakawalan ang kamay ko hanggang makauwi kami. Hindi ko naisip na meron pa palang gustong humawak ng kamay ko kahit nadungisan na ang mga ito.

Kung si Lexzues ay tahimik, si Scarlet naman ay maingay. Hindi niya ako tinigilan embes ay tinadtad niya ako ng mga katanungan. Ang kuwento niya sa akin ay gusto raw akong makilala ng mga magulang niya para pasalamatan ako sa pagligtas ko sa kaniya pero hindi raw niya ako nahuhuli dahil sa tuwing dadating na ang mga magulang niya, tsaka naman ako umaalis at nawawala. Ang totoo'y wala na akong oras para tanggapin ang pasasalamat nila. Ginagawa ko lang kung ano ang dapat at iyon naman talaga ang tungkulin ko. Hindi ako superhero pero kaya kong magligtas hanggang kaya ko at hindi lang din pagliligtas ang ginagawa ko, kaya ko ring lumaglag ng tao.

Hanggang ngayon ang paniniwala niya ay boyfriend ko ang kuya Zeus niya, tsk. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang nakita ang sariling sinusulat ang pangalan ni Zeus sa hangin. Napatigil ako sandali habang nakaawang ang mga labi ko, nagulat sa ginawang kilos.

"Lagi mo'kong nililito." Mahinang bulong ko sa hangin.

Pinikit ko ang mga mata habang inaalala ang laro kanina. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako makangiti nang hindi pinipilit kahit nararamdaman ko na ang saya. Hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako kahit naglalaro lang naman kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit nagtataka pa rin ako kung bakit ginulo niya ang buhok ko. Hindi ko alam kung bakit natakot ako noong bumulong siya sa tenga ko.

Hindi ko malaman kung ano ang totoong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bibigay ba ako lalo na ngayong may nalaman ako. Tungkol sa binanggit ni Yohan...

Dumilat ako. "Malapit ng dumating ang kinakatakutan ko..." Bigkas ko habang nakatingala sa kalangitan at pinagmamasdan ang nagliliwanag na Buwan.

Hindi sa lahat ng oras nalalabanan ko ang sarili ko, lalong lalo na ang puso ko.

Napaigtad ako nang biglang tumunog ang cellphone kong nakalatag sa kama katabi nito ang baril ko. Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba ang tawag. Natatakot akong baka masamang balita na naman ang bumungad sa akin. Napakurap ako nang tumigil ang pagtunog habang nakatayo parin ako sa gilid ng bintana. Pero noong tumunog ulit ito ay pinilit ko nalang ang sariling lumapit sa kama para sagutin ang tumatawang sa cellphone ko. Hindi ako nagsalita hanggang sa marinig ko ang boses ni Mamà.

[Did you eat already?] Napangiti ako dahil sa ibinungad niya.

"I miss your cook, Mamà." Mahinang saad ko at narinig ko naman ang halakhak niya. Hindi niya nakakalimutang magtanong kung kumain naba ako sa tuwing tatawag siya.

[Don't worry, hija. I'll cook your favorite food when we get home.]

Wala akong pernamenting paboritong pagkain dahil kapag nasarapan ako sa kinakain ko, paborito ko na rin agad iyon. Sobrang mapili ako pagdating sa mga pagkain dahil pag hindi ko nagustuhan ang lasa ng kinakain ko, nasusuka kaagad ako kaya minsan hindi nila ako mapipilit na kainin ang pagkain na iyon.

"When?" Seryosong tanong ko.

[Guess what? We're packing our things now! We're coming home tomorrow!] Nagagalak na ani niya.

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now