KABANATA 34

25 12 0
                                    


ZEUSARIOS KEN KNIGHT›

At some point, hindi ko napigilan ang sarili ko. Siguro nadala lang ako sa emosyon kaya ko siya nasapak. He has no rights to call me shit at isa pa, how dare him to say that I don't deserve her, so is he?

"I'm so disappointed!" Dean massaged his temple while looking at us disappointed.

Kilala ko na ang Dean simula bata pa lang ako. He and my Grandfather were friends and he's also my Godfather. Pero walang nakaaalam na mga estudyante dito maliban sa mga kaibigan ko.

Nakaharap siya sa amin ni Levi at mapanuri kaming tiningnan. Si Miss Wang naman ay kanina pa umalis.

Napayuko kaming dalawa, walang lakas loob na magsalita. Magkaharap kaming dalawa ni Levi sa upuan. Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko. He deserved it. I am experienced something with 'deserving' issue, and he put me in my edge.

Nabigla ako kay Lunar kanina. I didn't expected that she's that strong regardless of her slender body. Hindi ko inakalang may tinatago pala siyang lakas.

Ang tanging inaalala ko lang ngayon ay ang sugat niya. Nasa clinic na sila kasama ang mga kaibigan namin. Hindi ko alam kung saan galing ang sugat niya dahil ayaw niyang magsabi. Her uniform was covered with blood and I'm so worried about her. Ginamot na rin ang sugat namin kanina sa clinic. My face was still reeding.

"Mr. Knight," I heard the Dean called me but I didn't look at him. "Your family is one of the owners of Del Luna and everyone expecting you to have a good images in the school. Huwag mong sayangin ang tiwala ng mga tao sayo, Zeus."

"I'm sorry, Dean." I looked down.

Bigla naman akong natauhan pagkatapos ng suntukan kanina. Pero naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon kung bakit ganoon na lang talaga ang galit ko.

"And you, Mr. Valerio," baling niya sa kaharap ko. "You're Grandfather is also one of the owner of Del Luna and for sure, he will be so disappointed too if he'll find out about this. Huwag mo ring sayangin ang tiwala ng Lolo mo sa'yo."

"I'm sorry, Dean." He answered.

Hindi ako mapakali sa upuan ko dahil sa kakaisip kay Lunar at sa sugat niya. Atat na atat na akong umalis dito kahit alam kong hindi pa pwede.

"Matalino kayong dalawa, hindi iyon maipagkakaila." He stood up. "At hindi ko inakalang gagawa kayo ng eskandalo dahil lang sa isang babae." Napailing iling siya.

Nanatili kaming tahimik habang naglalakad lakad naman si Dean sa gilid namin. Kinuha ko ang ballpen sa table ni Dean at pinaglaruan iyon sa mga daliri ko nang sa ganoon ay mabawasan naman kahit kaunti ang pag aalala ko.

"Palalampasin ko pa itong eskandalo niyo, pero sa oras na maulit ito ay ipapatawag ko na talaga ang mga magulang ninyo. Sige na, maari na kayong umalis." Nang sabihin niya iyon ay agad kaming tumayo ni Levi na para bang iisa lang ang iniisip namin na puntahan pagkatapos.

"Thank you, Dean." Sabi namin at tumango sa kaniya.

Ibinalik ko ang ballpen sa mesa bago ako lumabas ng office. Napatigil ako nang tawagin ako ani Dean. Si Levi ay nawala na agad sa paningin ko.

"Yes, Ninong?" Tanong ko at humarap ulit sa kaniya.

"Let's talk later." Seryosong sabi niya.

Umawang ang bibig ko dahil sa pagtataka. Parang kinakabahan ako sa kung ano mang pag uusapan namin ni Ninong dahil nakikita ko iyon sa mukha niya. Wala sa sariling tumango ako at dahan-dahang sinara ang pintuan. Napabuga ako ng malakas na hangin nang masara ko ang pintuan.

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now