KABANATA 10

39 15 2
                                    

ZEEL LUNARLIA MONTERVERDE›

"What's happening here, Sir Alvaresz?" Nabaling ang atensyon naming lahat kay Miss Wang na halatang naguguluhan sa mga nangyayari. Naglakad siya palapit sa amin, katulad ni Sir Alvaresz ay may dala din siyang payong. "It's so hot here, what are you doing here?"

"Etong mga estudyante na'to." Tinuro kaming lahat ni Sir Alvaresz. Tumaas agad ang kilay ni Miss Wang nang makita niyang kabilang ako sa mga estudyanteng nakalinya sa plasa.

"Why, Sir Alvaresz?" Tanong niya ulit, nagtataka.

"Mag ingay ba naman sa oras ng klase ko!" Pagsusumbong niya kay Miss Wang.

Inilihis ni Miss Wang ang kaniyang paningin at ibinalik iyon kay Sir Alvaresz.

"Oh, c'mon, Sir Alvaresz, that's not reason enough for you to put them here in a hot place." Lahat ng mga kasama ko ay nag singhapan dahil sa sinabi ni Miss Wang.

Lahat kami ay hindi makapaniwalang nasabi iyon ni Miss Wang. Ano na naman kayang palabas ito?

"Aba'y dapat lang 'yan sa kanila! At lalong-lalo na itong si Monterverde! Tahimik nga, kung magsalita naman akala mo kung sinong may alam!" Tinuro-turo niya pa ako.

Saglit na tumahimik si Miss Wang. Saglit siyang sumulyap sa akin at ibinalik ulit kay Sir Alvaresz ang paningin.

"We should go now, Sir Alvaresz. It is not good for health to soak in the heat of the sun." Hindi namin alam kung ano ba ang nakain ni Miss Wang at biglang bumait at pinaglaban kami.

Nakikita kong nagdadalawang-isip pa si Sir Alvaresz noong una pero maya-maya lang ay tumango siya.

"Oh, siya! Pasalamat kayo kay Miss Wang at pinaglaban niya kayo! Ano pang hinihintay niyo? Lakad na! Gusto pa atang manatili dito, e." Sabi ni Sir kahit halata namang napipilitan.

Agad naman kaming naglakad ng mabilis paalis sa plasa. Sumunod naman sa amin ang dalawang propesor.

Nang tuluyan na kaming naka alis sa mainit na lugar ay narinig ko ang mahinang tawag sa akin ni Miss Wang. Tumingin muna ako sa mga kasamahan ko na naunang umakyat sa hagdanan patungong classroom saka ako lumingon kay Miss Wang. Hinintay kong makalapit siya sa akin. Nang makalapit siya ay agad niyang hinila ang braso ko patungo sa kung saan. Tsaka niya pa lang ako binitawan nang nasa harden na kami. Tumingin siya sa paligid para kumpirmahin na kami lang dalawa ang tao sa lugar. Nanatili naman akong seryoso. Nang masiguradong walang ibang tao ay tsaka pa lang siya tumingin sa akin at nag salita.

"Be thankful because I saved you from Sir Alvaresz's punishment." Napasinghap ako dahil sa sinabi nya.

"Inutusan ba kita para isalba kami?" Alam kong wala akong galang dahil sa pagsagot-sagot ko sa kaniya, pero hindi ko hahayaan na maliitin na lang ako ng kung sino-sino sa kanila.

"You're really a mannerless student, Monterverde!" Sumbat niya sa akin. "Did he raised you with that disrespectful attitude?"

Napangisi ako. Nahuli kita nang di mo namalayan, Wang.

"Huwag mong itanong sa'kin 'yan, dapat ay itanong mo iyan sa sarili mo, Miss Wang." Seryoso sabi ko. Nanlaki ang singkit niyang nga mata sa akin. Namutla siya at hindi mapakali sa kinatatayuan.

"W-what do you mean?" Patay malisya at nauutal pang tanong niya.

"Huwag kang magpanggap na walang alam sa mga sinasabi ko, Miss." Unti-unti akong lumapit sa kaniya at hinawakan agad ang magkabilang balikat niya.

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now