KABANATA 14

28 15 0
                                    

*SIERRA SELESTINE SANDEJAS*

"Lili, Aishel, Xhristian, punta muna akong locker room. May kukunin lang ako." Pagpapaalam ko muna sa kanila.

Kakatapos lang naming kumain sa canteen kaya dumiretso kaagad kami sa classroom nang matapos doon. Wala naman na din kaming gagawin, isa pa dito sa classroom lang lagi ang tinatambayan namin. Mahirap na baka makakita na naman kami ng kaaway. Classmate pa naman din namin 'yung isa.

"Okay, Sierra, balik ka kaagad, ah?" Sabi ni Aishel na ngumiti pa sa akin.

"Okay, wait ka namin." Sabi ni Lili at tumango.

"Take your time." Dagdag ni Xhristian at ngumiti.

Tumango ako sa kanila bago ako tumalikod palabas ng classroom. Mahina akong kumakanta habang naglalakad papunta sa locker room. Hindi naman sobrang layo ng locker room sa classroom namin. Limang classroom ang meron sa bawat floor, at sa bawat floor ay merong kaniya-kaniyang locker room. Pareho ang baitang ng mga estudyante sa bawat buildings, kaya hindi kami malilito kung saan ang mga classroom ng mga estudyanteng nag-aaral dito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang dito talaga ako nag-aaral. Malaki rin naman 'yung skwelahan namin ni Lunar last school year sa Manila kaso nga lang ang daming bad memories namin doon kaya napadpad kami rito. Fourth year High School pa kami nu'n. Senior High School na kami ngayon.

Napatigil ako sa pag-iisip nang makita ko ang isang bulto ng lalaking mahina ring naglalakad papunta sa deriksyon ng locker room. Awtomatikong gumuhit ang malaking ngisi sa mga labi ko. Napailing ako nang may naisip na namang kabaliwan. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kaniya. Tiniyak kong hindi niya ako mapapansin kaya pinilit kong hindi patunugin ang suot kong sapatos.

Nang tuluyan na akong nakalapit sa kaniya ay wala akong piniling oras at agad kong pinalupot ang braso ko sa braso nya. Para tuloy kaming ikakasal. Charot! 

Gulat siyang napatingin sa akin ngunit hindi niya tinangkang tanggalin ang braso ko na nakapulupot sa braso niya. Kumunot lang ang noo niya na lagi naman niyang ginagawa. May nakita ako sa kaniyang pamilyar na mukha kaya bahagya akong napa-isip kung saan ko siya unang nakita. Pero imposibleng na meet ko na siya dati kaya tinuon ko na lang ang atensyon sa kaniya.

"Hey, Love! Ba't hindi mo'ko hinintay." Ngumuso ako na animo'y nagtatampo talaga dahil sa hindi niya pag hintay sa akin.

Nagtindigan ang mga balhibo ko nang marinig ko siyang mahinang tumawa. Umiling siya ngunit hindi pa rin tinatanggal ang braso ko. Para akong kinukuryente sa bawat paggalaw ng braso niya.

"Uh-huh? I'm not your Love." Sabi niya.

"Uh-h sorry." Napangiwi ako. "Akala ko kasi ikaw 'yun."

Naramdaman ko siyang natigilan at naramdaman ko rin ang kahihiyan sa buong katawan ko sa sinabi niya. Sinubukan kong tanggalin ang braso ko na nakapalupot sa braso niya, ngunit nagulat ako dahil sa sinabi nya.

"Keep your arm still." Seryoso talaga siya.

"A-ano?" Mas nahiya pa ako nang nautal ako. Dios mio!

"I thought you don't talk to stranger?" Pumuslit ang kunting ngisi sa labi niya.

Napakamot ako sa kilay. Oo nga pala 'no? Nakakahiya talaga! Pero sige lang paninindigan ko 'tong kapal ng mukha ko.

"Uh, ano... huwag mo ng pansinin 'yun. Sinabi ko lang naman yun kasi ano..." Napakagat labi ako dahil wala akong masabi. "Ah, basta! Chismoso ka rin 'no? Gusto mo pang malaman kung bakit ko sinabi 'yun, e!" Sana lang ay kaya kong panindigan 'tong ginagawa ko.

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now