KABANATA 19

30 15 0
                                    

ZEEL LUNARLIA MONTERVERDE

[Don't go anywhere.]

Bungad sa alin ni Levi nang magkausap kami sa telepono. Kalahating gabi na at tanaw na tanaw ko ang maliwanag na buwan. Suminghap ako ng sariwang hangin. Ano'ng gagawin ko? Lilibutin ko ang sulok ng buong bahay? Maglalaro kaming dalawa ni Sierra ng tagu-taguan? Ano, gusto nilang manatili na lang ako dito? Sinong tinakot nila, ako?

"Bakit ko naman gagawin 'yun kung may kakayahan ako? Huwag mo na akong pigilan, Levi." Hinilot ko ang sentido.

[Look, that's not what I mean. I'm worried about your safety–]

"Oh, c'mon. Hindi na ako bata. Kaya ko ang sarili ko. Trust me." Sinubukan kong pakalmahin ang boses ko.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga sa kabilang linya. Alam niyang hindi niya ako mapipigilan. Lagi na lang naming pinag aawayan 'to, ang paglabas ko ng bahay at pumunta kahit saan. Naiintindihan ko naman siya dahil may trabaho siya sa akin pero ayaw kong manatili dito.

[Tell me, what's the reason why you keep insisting to go out with your friends? Is he moving? Does he like you already? Do you like him too?] Pahina ng pahina ang boses niya.

Nalalaglag ang panga ko dahil hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Hindi ko alam kung saan niya napulot ang mga iyon. Ni hindi ko na maintindihan kung ano ba talaga ang pinupunto niya.

"Ano'ng pinagsasabi mo?" Kumunot ang noo ko.

[Don't act like you didn't notice it. I'm staring at you from afar and everytime I look at you... you're looking at him.] Mapait niyang wika.

Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi niya. Bakit napasok sa usapan namin si Zeus? At bakit parang nadidismaya siya tuwing tumitingin ako kay Zeus? Ano bang gusto niyang ipahiwatig? Bakit hindi niya ako direstsuhin?

"Ano ba'ng gusto mong sabihin, Levi?" Naguguluhang tanong ko.

Ilang segundo bago ko narinig ang sagot niya. [I'm telling you this because I cared for you, you know... I don't want you to get hurt again. Please, 'wag na mo ng balikan. We already know how will it ends up. Huwag mo namang ipahamak ang sarili mo. Baka madamay sila, alam kong ayaw mong mangyari 'yun.] Parang ngayon palang ay tinatahan niya na ako sa paraan ng pagsasalita niya.

Umawang ang labi ko at natigilan dahil sa narinig mula sa kaniya. Hindi ko 'to inasahan. Hindi ko inaasahang pag uusapan namin 'to ngayon... bakit lahat bawal?

"Alam ko ang ginagawa ko. Pero kahit saglit lang, hayaan mo muna ako." Pamimilit ko.

Hindi ko na siya narinig sa kabilang linya kaya ibababa ko na sana ang tawag nang magsalita siyang muli.

[If I can't stop you from what you're doing, then you can't stop me from protecting you... please I want you to protect your self too, Se-]

Pinutol ko na ang kabilang linya dahil kabisado ko na lahat ng sasabihin niya. Napapikit ako ng mariin. Wala naman ng babalik. At wala na ring dapat pang balikan.

"Kung andito ka lang sana, Pappoús." Bulong ko habang nakatingin sa buwan na para bang ito ang Pappoús ko.

"Bakit gising ka pa?"

Hindi na ako nagulat nang marinig ko ang boses ni Sierra sa likuran ko. Nilingon ko siya at nagtataka naman niya akong tiningnan. Naglakad siya palapit sa akin at gad akong tinapik.

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now