KABANATA 26

26 14 0
                                    

ZEEL LUNARLIA MONTERVERDE

"Good morning, class." Bati ni Miss Wang nang makapasok siya sa classroom bitbit ang mga gamit niya.

"Good morning, Miss!" Bati right in naming lahat.

Nakataas ang kilay niya habang nililibot sa aming lahat ang paningin niya. Umupo siya sa silyang nasa harapan at may binuklat.

"Attendance, everyone. Raise your right hand and say present." Utos niya at nagsimula nang magtawag.

Hindi kalaunan ay kaming magkakaibigan na ang sunod na tinawag niya.

"Monterverde, Zeel Lunarlia?" Nakataas ang kilay ni Miss Wang nang tumingin sa gawi ko.

"Present." Walang ganang sabi ko at bahagyang tinaas ang kanang kamay.

"Raise you hand properly, Miss Monterverde!" Malakas na sigaw ni Miss Wang kaya napakunot ang noo ko.

Tinaas ko naman ng maayos ang isang kamay ko. "Present, Miss!" Malakas na hiyaw ko kaya nagtawanan ang mga kaklase ko.

"Shut up!" Galit na utos niya at masama akong tiningnan saka tinuloy na ang pag a-attendance

Napabuntong-hininga ako nang naisip na lumabas na naman ang masamang ugali ni Miss Wang. Kelan kaya 'to magiging mabait? Tanong ko sa sarili.

"Okay, let's start." Sabi niya nang matapos sa ginagawa at tumayo sa kinauupuan para lumapit sa pisara.

Sa taas ng pisara ay may nakalagay na malaking TV ngunit hindi naman ginagamit. Hindi ko naman masasabing sira na ito dahil makintab pa at bagong tingnan. Pero minsan lang naming gamitin iyon kapag si Miss Wang na ang nagtuturo.

Tahimik lang akong nakikinig kay Miss Wang na nagtuturo sa harapan dahil baka magkasagutan na naman kami. Paminsan-minsan na lang rin akong sumagot sa mga katanungan niya

"Goodbye, class, and see you tommorow!" Paalam niya at kinuha ang mga gamit sa lamesa.

"Goodbye, Miss, and see you tommorow!" Sigaw naming lahat.

Sunod-sunod na ang klase namin hangang sa marinig namin ang bell. Agad kaming nagsitayuan. Tinanggal ko ang pulang blazer na suot ko dahil naiinitan ako rito kanina pa. Sunod kong tinanggal ang pagkakaipit ng long sleeve sa skirt ko at ang tatlong botones sa harapan nito. Niluwagan ko rin ang mahabang necktie dahil pakiramdam ko'y nasasakal ako.

"What are you doing?"

Tapatingin ako sa lalaking nagsalita sa gilid ko. Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko. Bumaba ang paningin niya sa blazer kong nakalapag sa armchair at agad na kumunot ang noo niya.

Napatingin ako sa mga kaibigan naming may kanya-kanyang ginagawa. Marami pa naman kami sa loob ng classroom. Ibinalik ko ulit ang paningin kay Zeus na seryosong nakatingin sa akin.

"Bakit?" Naguguluhang tanong ko at binaba ang tingin sa suot ko. Para sa akin ay wala namang masama sa ginawa ko. Lagi ko nga itong ginagawa dati.

Nagulat ako nang pagtingin ko sa kaniya ay sobrang lapit na niya sa akin, napaatras naman ako ng kaunti dahil doon. Amoy na amoy ko ang mamahaling pabango niya mula sa kinatatayuan ko.

"Anong ginagawa–"

"You shouldn't do that here." Seryosong sabi niya at dinampot ang blazer at nilahad sa akin.

Naguguluhan man ay kinuha ko pa rin ito sa kamay niya. Nakita kong bumaba ang paningin niya sa nakalantad kong leeg. Nakita ko rin kung paano siya napalunok at nag iwas ng tingin. Agad kong binalik ang pagkaabotones ng uniporme ko.

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now