KABANATA 8

32 15 0
                                    

ZEEL LUNARLIA MONTERVERDE

"Copy the writings on the board." Maawtoridad na utos ni Miss Wang nang matapos ang kung anong sinulat niya sa pisara.

"Ano ba 'yan ang haba naman."

"Yay, ang dami niyan."

Reklamo ng mga kaklase ko. Mahaba naman talaga. Dalawang mahabang pisara at punong-puno ng letra ba naman ang nasa harapan mo?

"I also wrote that letters but did you hear me complaint?" Tinaas niya ang isang kilay sa amin kaya tumahimik ang lahat.

Pinalibot niya ang tingin sa lahat at nahinto sa akin ang paningin niya. Tinaasan niya ako ng kilay. Pagkatapos ay inilipat niya ang paningin sa lalaking katabi ni Zeus, si Selexzues.

Kunot noong pinagmamasdan ko siya habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Selexzues. Huminto ako sa pagsusulat nang tuluyan na siyang tumayo sa upuan niya at nakapamaywang na naglakad sa harap.

"Mr. Villa Luna and Miss Monterverde?" Tawag niya sa atensyon namin ngunit walang sumagot sa kaniya. "Why didn't you have the same last name?" Kumunot ang noo niya. Palipat-lipat ulit ang paningin niya sa amin ni Selexzues. "Aren't you two twins?"

"We're not twins, Miss." Si Selexzues na ang sumagot.

"You're joking, Mr. Villa Luna." Hindi makapaniwalang sabi niya. Inis akong napabuntong-hininga. Wala silang pinagkaiba ni Sir Alvaresz.

Yumuko ako dahil ayaw kong pag-usapan. Nasasayang ang oras ko sa mga maling akala. Tumayo si Selexzues sa kaniyang upuan kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

"First of all. Yes, I have a twin," Pagsisimula niya sa sasabihin ngunit mabigat na agad ang paghinga niya. Sandali siyang yumuko pagkatapos ay inangat ang paningin, diretso sa akin. "But she's not my twin." Sabi niya habang hindi pinuputol ang tingin. Ilang segundo ay iniwas niya na ang paningin sa akin at nagpatuloy sa sasabihin. "My twin sister is already dead, so stop asking if she's my twin because she's not." Tumingin ulit siya sa akin. "Stop believing the spreading rumor, it's nonsense." Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay babingi kami sa katahimikan ng silid. Walang sumubok na magsalita.

Maya-maya ay lumitaw ang munting hikbi ni Aishel Von. Kasalukuyan na hinahagod ni Lili ang kaniyang likod para patahanin ito sa pag-iyak ngunit lalo lamang lumala ang hikbi nito. Kahit si Lili ay pinipigilan ang sariling humikbi.

Tumingin ako kay Miss Wang na nahuli kong nakatingin sa akin. Nanlalaki ang mga maliliit na mata niya. May dumaang takot at puot sa mga nito.

"Narinig mo iyon, Miss?" Tanong ko sa kaniya habang nilalaro ko ang aking labi. "Hindi ako isang Villa Luna at lalong hindi kami magkapatid o kambal." Tumayo ako. "Miss... hindi ako anak ng mga magulang niya." Dahan-dahan akong lumapit kay Wang at dahan-dahan naman siyang umatras. " Anak ako nina..." Pahina ng pahina ang boses ko habang papalapit ako sa kaniya. Nang tuluyan na akong nakalapit sa kaniya ay agad akong kumapit sa naninigas niyang braso at tsaka bumulong. "Vincent Gem at Zeel Monterverde." Lumayo ako sa kaniya nang marinig ko ang nag iingay na bell, hudyat na tapos na ang klase ni Miss Wang.

Natigilan siya at namutla habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Mabilis siyang tumalikod para kunin ang mga gamit niya sa lamesa. Dahil sa nanginginig niyang mga kamay ay nahuhulog sa sahig ang mga pinupulot niya sa lamesa. Lumapit ako sa kaniya at ako na mismo ang kumuha sa mga libro niyang humandusay sa sahig. Napuno ng bulongan ang silid, hindi naman maiiwasan iyon.

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now