KABANATA 62

14 5 2
                                    

‹ZEEL LUNARLIA MONTERVERDE›

Napagpasyahan kong lumabas dahil hindi ako makatulog kahit anong gawin ko. Hating gabi na na at nakakabingi ang ingay sa paligid. Napahawak ako sa kuwintas na nasa leeg ko. Glow in the dark pala ang kwentas. Ngayon ko lang napansin sa mga lumipas na ilang gabi kasi lagi itong nakatago sa loob ng damit ko. Umupo ako sa upuan at tumingala para pagmasdan ang nagkikislapang mga bituin at ang nakakasilaw na buwan.

"Bakit gising ka pa?" Maya maya lang ay narinig ko ang boses ni Selestine. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at tumingala rin.

"Kasi hindi pa ako natutulog." Mahinang sagot ko.

"Huh? Ano?" Tanong niya at nilingon ako.

Bumuntong hininga ako at umiling. Sumandal ako sa upuan at pinagkrus ang paa pagkuway humalukipkip.

"I'm sorry nga pala kanina. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Kasi naman, e...." Napakamot siya sa batok. "Wala akong kapatid, gusto ko lang malaman kung ano'ng pakiramdam kapag mayroon." Pahina ng pahina ang boses niya at tumungo.

"Ano'ng tingin mo sa amin? Hindi pa ba kami sapat para maramdaman mo yung hinahanap mo? Alam mo, Sierra, hindi sa pagbati malalaman kung mabuti o masamang tao ang isang tao. Oo, naging bastos ako sa kanila, pero may dahilan ako kung bakit ko ginawa 'yun." Pagtatanggol ko sa sarili.

"Sorry. I shouldn't have judged you." Hingi niya ng paumanhin sa akin at nagulat ako nang mabilis niya akong niyakap. "So, kailan mo ba ako balak turuan?" Tanong niya nang makawala.

"Hindi ako ang mag e-ensayo sa'yo, tch." Kibit balikat ko at binalewala ang pinag usapan namin kanina.

"Huh? Bakit naman? Eh, ikaw ang gusto ko!" Pagmamaktol niya at ngumuso na parang bata.

"Bakit ako?" Sinalubong ko siya ng naiinis na mukha.

"Kasi mas magaling ka." Paliwanag niya.

Bumuga ako ng malakas at sunod sunod na muling umiling. "Naalala mo ang sinabi ko? Sa oras na makita kitang nahihirapan ay hindi ako magdadalawang isip na patigilin ka." Seryosong sabi ko.

Natigilan siya ngunit nakanguso pa rin. "S-sige na nga. Pero kailan?"

"Kapag handa ka na."

"Lagi naman akong handa." Pagmamalaki niya sa sarili.

Ngumisi ako at tinitigan siya. Maya maya lang ay nag iba ang ekpresyon niya. Nakita kong muli ang takot at kaba sa mga mata niya, kaya nag iwas ako ng tingin.

"Kakayanin ko." Pagpapatatag niya sa sarili.

Tumango ako at muling tumingala. Ilang minuto lang ay nag bukas na naman siya ng panibagong usapan.

"Alam mo, Lunar? Napaka swerte mo kay Zeus kasi tanggap ka niya. Alam naming lahat na mahal ka niya, nararamdaman namin yun." Sabi niya.

"Tsss." Saglit ko siyang tinapunan ng tingin.

"May nararamdaman ka ba kay Zeus?" Tanong niya at masuri akong tiningnan.

Natigilan ako at tumitig sa kaniya habang suot ang nakakunot kong kilay. "Ano'ng klaseng tanong 'yan?"

"May gusto ka ba sa kaibigan natin?" Ulit niya na mas madiin.

Lalo namang nagsalubong ang kilay ko. "Ewan ko." Mabilis na sagot ko.

Hindi ko alam.

"Ano'ng klaseng sagot 'yan?"

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now