KABANATA 59

14 5 0
                                    

ZEEL LUNARLIA MONTERVERDE

"Dumz, Gwapaha diay sa girlfriend ni Levi, ano? Nandito sila kaninang tanghali. Mukhang problemado yung girl." Sabi ni Paul na nagpatigil sa akin sa pag inom ng kape.

Pagkatapos kasi akong ihatid ni Zeus sa bahay ay pumunta ako dito dahil mababa naman na ang lagnat ko. Ilang linggo na rin akong hindi nakakabisita rito at hindi ko naman inaasahang may masasagap akong balita galing sa kanila.

"Nakita ko, umiiyak." Dagdag ni Rian nang makalapit sa amin.

Kaya pala wala siya kanina, tsss.

"Girlfriend? Wala namang nabanggit si Levi sa akin tungkol riyan." Mahinang sabi ko at sumimsim ulit ng kape at nagpanggap na hindi naaapektuhan.

"Baka babanggitin palang, Dumz." Sabi ni Paul, nararamdaman ko ang pag aalala sa boses niya.

Hindi ako nakapagsalita pero naramdaman kong mapanuri nila akong pinagmamasdan. Hindi ako umimik at inisip nalang kung bakit hindi niya ako sinabihan, sana hindi na ako naghintay pa.

"Okay ka lang, Dumz? Ay nako, huwag kang malulungkot kung may girlfriend na yung taong gusto mo. Di kayo bagay ni Levi, 'no. Mas bagay kayo nung Zeus."

Naibuga ko ang iniinom dahil sa sinabi ni Paul. Kumunot ang noo ko at pinunasan ang gilid ng labi. Bakit na naman nasali si Zeus rito?

"Pa'ano niyo siya nakilala?" Nagtatakang tanong ko at tumingin sa kanila.

"Edi gipangutana namo (tinanong namin). Madalas kasi siya rito, nag iisa. Mukhang palaging malalim ang iniisip." Nagkibit balikat si Rian habang pinupunasan ang lamesang natapunan ko ng kaunting kape dahil sa gulat.

"Nagtatagal ba siya rito?" Tanong ko ulit.

"Minsan, oo. Minsan rin, hindi. Depende sa mood niya." Sagot ni Paul at mahinang tumawa.

"Natanong ka nga niya kung pumupunta ka pa rin daw rito. Ang sagot ko, hindi ka na nakakapunta ng ilang linggo dahil busy ka." Sabi ni Rian nang matapos sa pagpupunas.

"Ah, ganun ba." Mahina akong tumango at binasa ang pang ibabang labi habang malayo na ang tanaw.

"Murag but an man si Zues, (Mukhang mabait si Zeus,) katulad mo ay tahimik rin. Bagay talaga kayo." Pangungutya ni Paul at nagtawanan silang dalawa.

Kumunot naman ang noo ko.

"Tsss." Maingay nga yun pagdating sa akin.

"Sobrang gwapo pa!" Dagdag ni Rian kaya napatili silang dalawa dahil sa kilig.

"Halos mahimatay nga ako noong narinig ko ang boses niya! Sobrang sarap pakinggan! 'te, ano bang meron sa'yo na wala sa amin? Pareho naman tayong maganda, ah?" Pinagmasdan akong maigi ni Paul kaya napailing ako.

"Kasi tunay na babae si Lunar, samantalang nagbaba- baehan lang tayo." Sabay na humagalpak ng tawa ang dalawa sa sinabi ni Rian.

"Siraulo." Sabi ko sabay tayo. "Alis na ako. Pakisabi nalang kay Rhian na dumalaw ako." Pagpapaalam ko at humakbang palabas. Sumunod naman silang dalawa sa akin.

"Sige, Dumz. Mag iingat ka." Sabi ni Paul at kumaway.

"Hinay hinay lang sa pagmamaneho." Bilin ni Rian sa akin. "Baka sa susunod na punta mo rito, nakauwi na yung mag asawa. Miss kana ng inaanak mo." Dagdag niya kaya tumango ako.

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now