KABANATA 17

22 15 0
                                    

*SIERRA SELESTINE SANDEJAS*

Ilang araw na ang nakalipas at kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa kama ko at tulalang nakatingin sa kisame. Sa dami ng nangyare sa buhay ko hindi ko maiwasang maalala si Lolo. Magugustuhan kaya niya ang ginagawa naming tatlo kapag nakakasama pa rin namin siya hanggang ngayon?

Siguro sa ngayon ay hindi ko pa kayang alalahanin at balikan ang pinagdaanan ko noon. Siguro ay hindi ko pa kayang balikan lahat... ayaw ko pang alalahanin ang mga nangyari sa akin noon na ayaw ko ng maranasan ngayon. That was a hell for me. Kung hindi dumating ang mga taong sumagip sa akin noon, posibleng miserable pa rin ang buhay ko hanggang ngayon.

I closed my eyes...

•FLASHBACK•

"Qué estamos haciendo aquí, Abuelo?" (What are we doing here, Grandpa?) Nagtatakang tanong ko kay Lolo Samuel habang naglalakad kami sa napakahabang pasilyo.

Kanina pa kami naglalakad ngunit tila'y walang katapusan ang aming paghakbang ni Lolo kasama ang isang daang gwardya na nakasunod sa amin. Narinig kong may pagsusulit daw na magaganap. Ngunit hindi ko batid kung totoo ba ang narinig ko.

"Te presentaré a alguien." (I will introduce you to someone.) Sagot niya sa akin.

Gulat akong napatingin sa kaniya. To someone? Sino naman kaya ang ipapakilala niya sa akin?

"En serio? a quien, Lolo?" (Really? To whom, Lolo?) Nasasabik kong tanong ulit sa kaniya.

Hinila ko ang dulo ng damit niya upang sagutin niya agad ang tanong ko. Mahina siyang natawa at ginulo ang buhok ko. Napanguso ako sa dahil ginawa niya.

"Lo descubrirás más tarde, Nieta." (You'll find out later, Granddaughter.) Tumango na lang ako kahit nasasabik na malaman kung sino iyong 'someone' na tinutukoy niya.

Pagkatapos ng mahabang paglalakad namin ay bigla akong nakarinig ng putok ng baril. Awtimatikong tumaas ang kamay ko upang hawakan ang braso ni Lolo. Nararamdaman ko ulit ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa narinig.

Napapapikit ako sa tuwing pumuputok ang mga baril galing sa paligid. Habang papalapit kami sa kung saan kami pupunta ay mas lalong lumalakas ang ingay. Ang isang kaway ko ay nakahawak sa braso ni Lolo at ang isang kamay ko naman ay nakatakip sa isang tainga ko.

"Stamatíste na pyrovoleíte." (Stop firing.) Rinig kong utos ni Lolo sa kausap niya sa telepono.

Ilang segundo lang ay tumahimik na ang buong paligid. Pakiramdam ko ay maririnig ko na ang pagtibok ng puso ko dahil sa katahimikan. Kabaligtaran sa kanina.

Sa gitna ng paglalakad namin ay may nakita akong napakalaking pinto. Sa wari ko ay roon ang tungo namin ni Lolo Samuel. Hindi nga ako nagkamali. Nang makalapit kami sa napakalaking pintuan ay binuksan kaagad ito ng dalawang gwardya na nag babantay sa pinto.

Nanlaki ang mga mata ko nang bumulagta sa amin ang napakalawak na field. Marami ang mga naka unipormeng guwardya sa paligid. Ang iba'y may hawak na mga baril. Ang ibang guwardya naman ay tinuturuan ang ibang hindi pa lubusang magaling sa paghawak ng baril, ngunit kahit ganoon ay hindi nila pinapuputok ang kanilang mga baril tulad ng utos ni Lolo.

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now