KABANATA 63

10 4 0
                                    

‹ZEEL LUNARLIA MONTERVERDE›

"Thank you for your time. I can't stop her, she's the boss." Sabi ni Lexzues nang makalabas kami ng café. Mukhang nahihiya pa siya dahil sa kakulitan ng kapatid niya.

Nakasakay na sa kotse si Scarlet at kasalukuyang kumakaway sa akin sa labas ng bintana ng sasakyan. Kumaway rin ako at ginantihan siya ng munting ngiti. Mukhang natagalan ata ang pagkukuwentuhan namin dahil inabot na kami ng dilim.

"Okay lang yun, nakakatuwa pala yang kapatid mo 'no? Kahit anong pinagsasabi. Masyadong makulit." Nagkibit balikat ako nang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Scarlet.

"Shall we go?" Paalam ni Lexzues at tumango naman ako bago umatras.

"Sige, aalis na rin ako." Sabi ko at tumango rin siya bilang tugon.

Tumalikod na siya sa akin at pumasok na sa sasakyan nila. Halos mapunit na ang mga labi ni Scarlet sa kakangiti sa akin sabay kaway. Pinagmasdan ko lang siya hanggang lumayo ang sasakyan nila.

Matagal akong natulala sa daang dinaanan nila bago ako natauhan. Sumakay na ako sa motor ko at pinaharurot ito ng mabilis. Nang makarating ako sa bahay ay ang ilaw na lang sa labas ang naabutan ko. Muli na naman akong natulala nang umupo ako sa upuang nasa labas.

Malabo sa akin ang lahat. Pero isa lang ang alam ko, mabigat ang nararamdaman ko.

Sa tingin ko ay isang oras rin akong wala sa sarili bago ko napag isipang pumasok. Pagkatapos kong kumain saglit ay pumasok na ako sa kuwarto nang makapagbihis na.

Sinubukan kong pilitin ang sariling matulog ngunit kinakalaban ako ng mga mata ko dahil hanggang ngayon ay dilat na dilat pa rin. Sa inis ko ay bumangon ako at ginulo ang buhok.

Sa gitna nang pagtitig ko sa sahig ay naisipan kong silipin saglit si Sierra sa kuwarto niya dahil hindi ako makatulog. Habang naglalakad ako ay para akong nakalutang sa ere. Mabuti na lang ay hindi naka kandado ang pintuan niya kaya malaya akong nakapasok. Naabutan ko siyang mahimbing nang natutulog habang yakap yakap ang libro. Kunot noong lumapit ako sa kaniya para kunin ang libro sa mga bisig niya.

"Tsk." Bumuntong hininga ako nang mailagay sa mesa ang libro.

Hindi na rin ako nagtagal sa kuwarto ni Sierra dahil baka magising siya at iisipin niyang ako yung taong lagi niyang napapaniginipan na humahaplos raw sa buhok niya kahit hindi naman.

Dahil na rin siguro sa pagod sa paglalakad lakad at pag iisip isip sa kuwarto ko ay nakatulog na rin ako sa wakas. Sumapit ang ilang araw nang hindi ko namamalayan. Nalaman ko na lang na ngayon na pala ang araw na hinihintay nila, ngunit heto ako't tulala at wala pa rin sa sarili habang nakatingin sa langit sa pamamagitan ng kisameng gawa sa salamin ng kuwarto ko.

Alam kong kanina pa nakaalis si Sierra. Ilang ulit niya na akong kinatok kanina pero hindi ko man lang siya pinagbuksan. Nang mapagod ay nagpaalam na lang na aalis na raw siya. Alam niya rin namang hindi ako pupunta.

Bigla akong nabalik sa ulirat nang tumunog ang cell phone ko sa side table. Sinulyapan ko lang ito saglit at muling tumagilid pakanan at hindi pinansin ang tumutunog na cell phone. Kung hindi si Sierra ang tumatawag, tiyak akong isa 'to sa mga kaibigan ko at pipilitin na naman akong pumunta kaya mabuti nang hindi ko na lang sagutin.

Maya maya lang ay tumigil na ang nakakarinding ingay na nilikha ng cell phone ko kaya nakahinga ako ng maluwag. Muli ko na sanang ipipikit ang mga mata ko para matulog ulit nang tumunog na naman ulit. Sa inis ko ay bumangon na lang ako para sagutin ang kung sino mang tumatawag.

[Good morning, Lunar!] Si Xhris pala.

Sumalampak ako ulit at hinintay ang sunod niyang sasabihin.

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now