KABANATA 31

22 12 0
                                    

ZEEL LUNARLIA MONTERVERDE

Humugot ako ng malakas na hininga.

"I used to believe,

Marahang panimula ni Zeus.

We were burnin' on the edge of somethin' beautiful. Somethin' beautiful,
Sellin' a dream,
Smoke and mirrors keep us waiting on a miracle. On a miracle."

Napakabanayad ng boses niya habang kinakanta niya iyon. Hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kaniya. Napapapikit pa siya paminsan-minsan at nang didilat ay sa akin bumabagsak ang paningin niya. Simple ngunit nakakapanindig balahibo.

Agad na naghiyawan ang mga kaibigan namin nang ako na ang kakanta. Kinagat ko ang labi ko at nag iwas ng tingin kay Zeus, ngumiti siya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Parang tinatambol ang puso ko.

Kakanta lang ako. Kakanta ka lang, Lunar. Sabi ko sa sarili.

Siguro dahil ngayon ko lang ulit maririnig ang boses ko dahil sa tagal ng panahong tumahimik ako, itinigil ko na rin ang pagkanta ko. At ngayon ko lang ulit ipaparinig sa iba. Naririnig ko pa rin ang mga hiyawan nila ngunit agad ding tumahimik nang nagsimula akong kumanta.

"Say, go through the darkest of days,

Ang kaninang mga hiyaw na malakas na ay mas lumakas pa lalo nang kumanta na ako.

Heaven is a heartbreak away,

Pumikit ako.

Never let you go, never let me down,

Nararamdaman ko ang mga titig niya.

Oh, it's been a hell of a ride,

Dumilat ako.

Driving the edge of a knife,

May nakita akong dalawang babaeng may katandaan na. Nakatayo silang dalawa sa bukana ng pintuan. Tiyak na mga katulong sila rito dahil sa mga kasuoton nila. Ang isa'y namamanghang nakatingin sa akin at ang isa naman ay titig na titig sa akin, nakaramdam kaagad ako ng pagtataka dahil nararamdaman kong may nakikita siya sa akin.

Never let you go, never let me down."

Iniwas ko sa kanila ang paningin at itinuon na lang sa kinakanta ang buong atensyon ko.

"Don't you give up, nah-nah-nah,

Sabay na kaming kumanta ni Zeus sa chorus. Agad na bumalik ang hiyaw ng mga kaibigan namin. Ang iba'y pumapalakpak pa. Nararamdaman kong nadagdagan pa ng ilang katulong ang mga nanonood sa amin malapit sa pintuan kaya nailang ako.

I won't give up, nah-nah-nah,

Pero patuloy pa rin ako sa pagkanta.

Let me love you,
Let me love you,
Don't you give up, nah-nah-nah,
I won't give up, nah-nah-nah,
Let me love you,
Let me love you,"

Napatingin ako sa katabi ko nang maramdaman ko ang nakakapasong titig niya. Siguro'y ilang minuto kaming nagtitigan bago natapos ang kanta.

"Let me love you." Huling linya ngunit hindi niya iyon kinanta.

Napalipat ang paningin ko sa mga kaibigan naming nagsitayuan habang malakas na pumapalakpak. Ganoon din ang mga katulong kaya napatingin ang mga kaibigan namin sa kanila, nagulat dahil nanonood din pala sila.

HER EYES TELL Season 1Where stories live. Discover now